Monday , December 23 2024

3.8-M euros ng EU tinanggap ni Duterte (Para sa drug rehab)

TINANGGAP ng Palasyo ang ayudang 3.8 milyong euros ng European Union (EU) para sa rehabilitasyon ng drug personalities.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagpasya ang Pangulo na tanggapin ang tulong dahil wala itong katapat na kondisyon.

Ang 3.8 milyon euros galing sa EU ay nakalaan para sa rehabilitasyon ng drug personalities sa bansa.

Layunin nitong matulungan ang mga taong lulong sa ipinagbabawal na gamot na makabalik sa normal na pamumuhay.

Sinabi ni Roque, malinaw na patunay ito na pinapaboran ng EU ang paraan ni Pangulong Duterte sa pagtugon sa problema sa ilegal na droga sa bansa, at pagtanggap na ito ay isang public health issue.

Ibibigay ang donasyon sa Department of Health (DOH) upang ito ang mag-facilitate sa mga programang may kinalaman sa kalusugan.

Sa ngayon, sinabi ni Roque, hindi nababago ang paninindigan ng Pangulo na huwag tumanggap ng anomang tulong mula sa alinmang dayuhang grupo kapag may kondisyon.

Hindi aniya gusto ng Pangulo na pinakikialaman ng mga banyagang grupo ang panloob na usapin ng bansa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *