Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bayaran sa isang award, ‘di imposible

PARA sa mga suki ng Star Awards for Movies 2018 ng Philippine Movie Press Club (PMPC), sa February 18, Linggo, 8:00 p.m. ang yearly events na hinihintay ninyo, ang ika-34 Star Awards.

Ito’y pinatatag ng mga namuno nang sina Ethel RamosDanny Villanueva, Andy SalaoFranklin Cabaluna, Ronald Constantino, Tony Mortel, Boy C. de Guia, Ernie Pecho, Letty G. Celi, Ricky Calderon, Nene Riego, Jun Nardo, Nora Calderon.

Pagkaraan ng ilang taon pa ang mga sumunod na naging pangulo ay sina Fernan de Gusman, Roldan Castro, Joe Barrameda, Julie Bonifacio, Vero Samio, at Melba Llanera. 

Tatlongpu’t apat na taon na ang PMPC Star Awards na nagkaroon pa ng Star Awards for TV at Star Awards for Music. Ang unang producer ng Star Awards ay si June Torrejon at si Al Quin ang unang direktor.

After ng ilang taon, pumasok ang couple na sina Jun Howard at Tessie CelestinoHoward ng Airtime Marketing Inc..

Masaya ang Star Awards lalo na’t kapag magkakaroon na ng awards night sa deliberation, parang aso’t pusa, away-away kuno, kanya-kanya ng pagtatangol sa mga manok nila. At siyempre, may naninira sa Star Awards na mga walang magawang non-members.

Siyempre ang paboritong paninira ay ang kesyo nabayaran kaya nanalo ng awards si ganito. Eh, kahit pa ba bayaran ka pa, kung makapal ang apog mo, get mo ang bayad! Alam ba na ibinoto siya?

Well, hindi po nawawala ‘yan sa isang labanan na kahit ano pa ‘yan. Himatayin na sila sa inggit lalo na si kafatid na kung makatira sa Star Awards at PMPC, parang siya lang ang magaling!

Anyway, Goodluck to all, God bLESS us all! Mabuhay Star Awards!

***

GUSTO kong i-welcome ang aking kapatid, si Ate Norma na almost 30 years kaming hindi nagkita. Nag-migrate siya sa Ontario, Canada with her children, Sunshine, Joey & Rameng. Ang tagal, sulat lang ang aming connecting lines that time.

At least, nauso ang Facebook at anik-anik na mga makabagong gadgets, nakakapag-usap na kami ng face to face. Pero ang feeling na in person na magkita kami at magyakapan, mag-iyakan, at nagkita kami sa panahong maysakit ako at bigla ay lumakas ako, Thank You Lord God! We Praise! We Pray! We Claim!

NO PROBLEM DAW
ni Letty Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …