Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marlo Mortel, malapit sa puso ang first solo-album!

IPINAHAYAG ng Kapamilya actor, singer, at TV host na si Marlo Mortel na malapit nang lumabas ang kanyang first ever solo album mula Star Records. Aminado si Marlon na excited na siya sa naturang album.

Masasa-bing collector’s item ito lalo sa mga avid followers ni Marlo dahil bukod sa konektado ito sa kanyang buhay, siya ang sumulat sa lahat ng kantang nakapaloob sa nasabing album.

Saad ng tinaguriang Boyfie ng Bayan, “Nai-record ko na ‘yung fifth song ko rito na ako rin ang sumulat and dapat nilang abangan kung sino ang ka-duet ko sa album na ito. Actually, hindi ito dapat kasama sa album pero inihabol ko lang para maka-duet ko siya. So, pinalitan ko ‘yung isang kanta rito, para sa kanya.

“Etong album ko na ito ang pinakamalapit sa heart ko dahil ako ang gumawa ng mga kanta and no doubt, magaganda talaga, for sure. Ipa-promise ko iyon.”

Nabanggit ni Marlo na super-excited na siya sa kanyang album. “Super-excited ako kasi pinaghirapan ko talaga iyan. ‘Yung ibang songs dito compose ko noong high school pa ako. Kasi bata pa talaga ako, hilig ko na talagang magsulat, ako rin ang gu-magawa ng melody sa gi-tara, everything.”

Ano ba ito, puro hugot songs? “Hindi naman… hugot doon sa mga… kasi para siyang kuwento, e. So, kayo na lang po ang bahala kung paano ninyo iaano… Pero more on sa mga totoong nangyari ito sa buhay ko.”

Dagdag ni Marlo, “Actually, five songs talaga ito na isinulat ko about, kung paano ka mai-in love, kung paano ka masasaktan in the end, parang ganyan. Pero pinagdagdagan pa ng Star Music ng dalawa, kasi nagulat sila na magaganda pala iyong mga kanta. So, pinadagdagan pa nila ng dalawa na ako rin ang nagsulat, kaya naging pito. So, all out na ako sa album na ito.”

Parang collector’s item ito sa fans mo? “Yes oo, ako kasi ang nagsulat at gumawa ng music, everything, lahat ng kanta…  At saka it’s a piece of me, kasi it’s my life talaga.”

Mas magfo-focus ka ba sa pagiging singer or sa music mo? “Sabay-sabay, sabay-sabay… Kasi kung ano ang mayroon na break, tatanggapin ko.  Pero feeling ko talaga, ayan talaga ‘yung meant to be, ang maging singer-songwriter ako.”

Nagpasalamat si Marlo sa walang sawang suporta ng kanyang fans. “Sobrang thankful talaga ako sa fans ko, dahil lagi silang nandiyan at hindi sila nagbabago. Sobrang thank you sa kanilang lahat, naa-appreciate ko lahat, mahal ko silang lahat dahil sobrang love ang ibinibigay nila sa akin.

“Kahit iyong nasa Be Careful pa ako noon, hanggang sa nawalan ako ng teleserye, hanggang ngayon, nandiyan pa rin sila at walang pagbabago ang love and support nila. Kaya ayaw ko silang biguin and pro-mise ko sa kanila na I will do my best para maging proud sila,” saad ng aktor na napapanood sa Hanggang Saan ni Ms. Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

Pahabol niya, “Minsan nagugulat ako sa kanila na ang aga-aga sa UKG, pero nandoon sila kahit sa probinsiya pa iyan, kahit ang layo-layo,” wika ni Marlo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …