Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eroplano bumagsak, 2 dayuhan sugatan

DALAWANG dayuhan ang sugatan nang bumagsak ang isang private plane sa karagatang sakop ng Palawan bunsod ng problema sa makina nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, spokesperson ng MIMAROPA regional police office, ang eroplano ay bumagsak malapit sa Turublian Resort sa Brgy. New Agu­taya, sa bayan ng San Vicen­te dakong 1:30 ng hapon.

Kinilala ni Tolentino ang mga sugatan na sina Malaysian Harinalan Munianday, at British Max Edward Harvey.

Ang dalawang piloto ay dinala sa Rural Health Unit ng San Vicente para lapatan ng lunas.

Sinabi ni Tolentino, ang eroplano ay patungo sa Maynila mula sa San Vicente Regional Airport sa Palawan para magha­tid ng buhay na mga isda.

Nakatakdang magsagawa ng ocular inspection sa lugar ang Civil Aviation Authority of the Philippines.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …