NAGTALA ng record na P4.75B koleksyon o kita para sa taong 2017 ang Bureau of Immigration.
Very good!
Ang nasabing record ay lumalabas na “all time high” sa mga legal na transaksiyon mula sa visa fees at iba pang applications ng lahat ng mga naging kliyente ng ahensiya, banyaga man o lokal.
Ayon kay BI-Commissioner Jaime Morente, mas mataas ang koleksiyong ito nang P894.6M sa kinitang P3.86B na nakolekta noong 2016.
Lumalabas na 23 porsiyento ang naging improvement nito mula nang naupo ang kasalukuyang administrasyon.
Dagdag ng butihing commissioner ng Bureau, bunga raw ito ng inspirasyon at dedikasyon ng mga empleyado mula nang pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na maibalik ang kanilang mga dating OT pay at ibang benepisyo.
Nito nga lang bago sumapit ang 2018 ay pinahintulutan ng Pangulo na magtayo ang BI ng isang “trust fund” na pagkukuhaan ng kanilang overtime pay.
Ang nasabing pondo ay manggagaling sa express lane fees kasama sa kinokolekta sa bawat visa fees and other transactions mula sa mga kliyente ng ahensiya.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap