Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Twinning sa All Star Videoke!

LOVE month na, uso na naman ang twinning! Kaya naman ngayong Pebrero doble-doble ang saya dahil pares-pares ang labanan sa All Star Videoke!

Sasalang sa butas ng kapalaran ang kambal sa “Sirkus” na sina Mikee Quintos at Mikoy Morales, ang mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles, ang tandem sa “The One That Got Away” na sina Jason Francisco at Patricia Ismael, ang magkumareng Teri Onor at Ate Velma, ang songbird impersonators na sina Ate Reg at Anton Diva at ang Indian heartthrobs na sina Sam YG at Addy Raj!

Parehong forever child stars naman ang uupong “All Star Laglagers,” ang wonder duo nina Boobsie at Baby Shark Atak!

Sino naman kaya sa anim na pares ang hahamon kay Ruru Madrid at aagaw sa titulo ni­yang All Star Videoke Champ?

Makikigulo at makiki-videoke naman sina Eugene Domingo at ang mga tropa ng Dear Uge sa Kalye-Oke!

Samahan ang videoke tandem nina Betong ­at Solenn sa mas nakaaaliw na kantahan, mas nakababaliw na laglagan na may bonggang mga papremyo!

All Star Videoke, linggo after Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA-7!

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …