Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“My Fairy Tail Love Story” Valentine treat nina Elmo at Janella sa Araw ng mga Puso

Pinatunayan ni Janella Salvador ang pagiging bankable star sa “Haunted Mansion” na kabilang sa top-grossers sa MMFF 2015 gayondin ang lakas ng dating ng love team nila ni Elmo Magalona na ilang beses nang nag-partner sa shows nila sa Dreamscape Entertainment at ABS-CBN na pawang top raters.

Kaya naman sa laki ng tiwala nina Mother Lily at Ma’am Roselle Monteverde ng Regal Multimedia, kasama ng The Ideal First Company nina Perci Intalan at Direk Jun Lana ay binig-yan nila ng malaking project ang ElNella love team ngayong Pebrero 14, Araw ng mga Puso ay ipapalabas na ang kanilang “My Fairy Tail Love Story” at si Perci Intalan ang director nito.

Kasama nina Elmo at Janella sa movie si Kiko Estrada na favorite din ni Mother Lily. Happy nga pala sina mother at Ma’am Roselle sa ganda at lakas ng feedbacks ng ElNella movie na as of presstime ay humamig ng mahigit 3 million views ang official trailer na maririnig ang magandang boses ni Janella sa ibang dialogue ng young singer actress sa movie.

Maging si Elmo ay makikitang kumakanta. Marami rin ang nagagandahan sa poster ng movie na nakalubog sa tubig ang serenang si Janella at nakasakay sa kanya-kanyang bangka sina Elmo at Kiko.

Aba, sa positive reviews na natatanggap ng My Fairy Tail Love Story, hindi lang feel good movie dahil mai-in-love kayo at kikiligin, amoy na ang pagiging box office hit nito bilang Valentine’s treat ng ElNella.

Kasama rin sa cast sina Kiray Celis, Dimples Romana, Dominic Ochoa, Kakai Bautista atbp.

Bukod sa vibes na kikita ang MFTLS ay nais din naming batiin ang Regal Matriach at si Ma’am Roselle sa horror movie nilang “Haunted Mansion” na No. 4 top grossers sa MMFF 2017.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …