Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Mama’s Girl” nina Sylvia at Sofia pinakamaganda at very entertaining (Para sa Mother’s Day movie ng Regal); Direk Chito Roño napahanga sa Pelikula

BUKOD sa horror movies na expertise ng Regal Entertainment ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ay kilala rin ang kanilang movie outfit sa paggawa ng pelikula tungkol sa ina at anak na handog nila ngayong Mother’s Day sa lahat ng mga nanay.

At ngayong 2018 ay isang maganda at kuwelang inspirational drama na “Mama’s Girl” ang handog ng Regal na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez at Sofia Andres na idinirehe ni Connie Macatuno.

At bentang-benta agad ang lahat ng mga eksena nina Sylvia at Sofia na pinalakpakan sa red carpet premiere nila noong Lunes sa Trinoma Cinema.

Bumabagets rin sa movie si Sylvia na sa edad na more than 40s ay teenager looking sa Mama’s Girl kaya nang tanungin ang actress sa kanilang grand presscon kung ano ang pagkakaiba ng karakter na ginampa­nan niya noon sa The Greatest Love at umeere sa kasaluku­yang “Hanggang Saan” ay malinaw ang kanyang naging explanation dito.

“Loud ako rito e, at saka sexy. Lume-level-up, e. Pero strong mom siya. Na no matter what, kahit saan siya magpunta, hindi niya iiwan ang anak niya.”

Para naman kay Sofia na first time makatrabaho ang Kapamilya actress, ay sobrang overwhelmed siya lalo’t isang award-winning actress si Sylvia na nanay nga niya sa Mama’s Girl.

“Noong una, intimadated po ako. But sobrang bait niya kaya naging comfortable agad ako sa kanya.

“Para siya talagang na­nay sa set na very caring sa akin at sa iba pang co-stars namin. Naging very close kami at isinama pa niya ako when she and family went on a trip to Singapore.

“We’re both excited to share this wonderful heartwarming film about the relationship between a mother and a daughter.

“If you feel that everything is falling apart and when everyone else leaves, it will show that our mother remains to support us always,” papuri niya sa movie at kay Sylvia.

Samantala flattered si Sylvia nang tawagin siyang “Meryl Streep of the Philippines” ni Ma’am Roselle. At may karapatan siya sa title na ito dahil kahit medyo may edad na ay mas sumikat at may fans club pa at mga product endorsement.

Sa kanyang comment sa FB, pinuri ni Direk Chito Rono ang Mama’s Girl, na exciting movie raw.

Kasama rin sa cast sina Diego Loyzaga, Alya­na Asistio, Karen Reyes, Heaven Peralejo, Alora Sasam at marami pang iba. Ang nasabing film ay opening salvo ngayong 2018 ng Regal Entertainment at showing na today (Jan.17) in cinemas nationwide.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …