Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rising Sun beerhouse sa Rizal Avenue hindi matinag

Kaya naman pala di matiwag ang Rising Sun beerhouse sa Rizal Avenue ay dahil sa nuknukan daw ng lakas sa kinauukulan ng maintainer nitong si Thelma na may blessing naman daw sa isang piskal sa Manila City Hall.

Ang Rising Sun na unang naulat na nagpapalabas ng lewd show sa loob ng 24 oras ay matatagpuan

sa kahabaan ng Rizal Avenue malapit sa So­ler Sta. Cruz, Maynila.

Lumalabas na front lang nito ang mga pagpapalabas ng lewd show ngunit sa totoo lang ay isa itong prostitution den dahil sa dami ng mga VIP rooms at mga cubicle sa itaas ng nasabing establisiyemento.

Meron rin nagsasabing wala itong permit o maski na anong legal na dokumento.

Ang hindi natin malaman ay kung sadyang hindi ito masaling ng kinauukulan dahil sa para­ting o ‘di naman kaya ay malaki ang takot nila kay piskal na dating isang mataas na opisyal sa hanay ng pulisya.

ARRANQUE MARKET TAGPUAN

NG MGA MAGNANAKAW

AT IBA PANG KRIMINAL

Naging tagpuan na umano ng mga magna­nakaw, holdaper at mga snatcher ang Arranque Market na lahat ng uri ng kalakal o pektus ay binibili.

Milyon milyong piso raw ang naglalarong pera rito araw-araw mula sa mga ilegalista.

Ang mga bagong snatch na cellphone o mga alahas na kahoholdap pa lang ay doon dinadala. No questions ask basta’t pera-pera lang ang laban.

Maraming nagrereklamong mga biktima ang naging saksi rin na roon daw tumatakbo o nakikita nila ang mga suspek.

Ilang beses na rin daw silang lumalapit sa Gandara detachment ngunit walang nangyayari at dinededma lang sila umano ng mga pulis.

May hinala rin sila na parang may ginagawa silang magic o himala. Totoo man o hindi, magkano man o wala ang mahalaga ay patunayan ninyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …