NGAYONG taon ipagdiriwang ni Ogie Alcasid ang kanyang ika-30 anibersaryo kaya naman isa ito sa pinagkakaabalahan niya bukod pa sa #paMORE concert nila nina Martin Nievera, Eric Santos, at Regine Velasquez sa February 10, Sabado, 8:00p.m. sa Mall of Asia Arena.
Ani Ogie, natutuwa siya sa kasiglahan ng OPM. ”Ang dami-raming nagko-concert. Sana mas marami pang artists natin na magkaroon ng concert.
“This year is my 30th in showbusiness. I will have my major concert. Kaya ipinagdarasal ko na mairaos ko rin ang aking 30t dito sa Pilipinas.
“Malaki ng pasasalamat ang gusto kong ibigay dahil 30 yrs. akong naging singer dito sa Pilipinas, isang malaking karangalan iyon para sa akin,” mahabang esplika ng actor/singer.
Ang#paMORE concert ay handog ng Starmedia Entertainment ni Anna Puno at ng I-Music Entertainment ni Cacai Mitra. Para sa tickets, mabibili ito sa SM Tickets (lahat ng sangay/online sawww.smtickets.com/4702222).
Samantala, may plano rin pa lang gumawa ng pelikula si Ogie na isasali sa Cinemalaya Independent Film Festival.
Ani Ogie, may offer sa kanya na gawin ang Kuya Wes,isa sa 10 finalists sa Cinemalaya 2018.
Hindi itinanggi ni Ogie na nagustuhan niya ‘yung script. ”I really loved it. It was something that I really wanted to do. Nakipag-meet ako sa writer and director at mayroon silang kinakailangang budget para sa film,” pagbabalita ni Ogie.
Sambit pa ng actor/singer, sinabi sa kanya ng director at writer ng Kuya Wes na siya ang nakikitang tamang gumanap sa naturang role.
Inilapit niya ang proyektong ito sa prodyuser ng Spring Films na sina Piolo Pascual at BinibiningJoyce Bernal at tila positibo ang reaksiyon ng mga ito.
Kaya after ng #paMORE concert at 30th concert, posibleng harapin naman ni Ogie ang pag-arte.
DEREK RAMSAY,
BONGGA ANG 2017,
AARANGKADA PA
NGAYONG 2018!
MASAYANG-MASAYA si Derek Ramsay dahil napakaganda ng pagtatapos ng taong 2017. Nagwagi siya bilang Best Actor sa 2017 Metro Manila Film Festival dahil sa napakaganda niyang performance sa movie nila ni Jennylyn Mercado, ang All Of You mula Quantum Films, Globe Studios, MJM Productions, at Planet Media.
Kung ating matatandaan, hindi ito ang unang tropeong nakuha ni Derek sa MMFF. Una siyang ginawaran ng kaparehong award sa 2015 entry nila ni Jen na English Only, Please.
Tumabo pa sa takilya ang second movie nila together ni Jennylyn kaya naman sobrang suwerte talaga ng aktor.
Last year din naayos ang gusot niya sa Star Cinema at ABS-CBN kaya naman dalawang movies ang gagawin niya sa Star Cinema at uunahin niya ang pelikulang tentatively titled Kasal kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino na ididirehe ni Ruel Bayani.
Bukod dito, magsasama rin silang muli ni Kris Aquino sa isa pang project sa kaparehong film outfit.
At bilang endorser, umeere na ang bagong TV commercial niya ng Dunkin’ Donuts.
Hindi lang competent actor si Derek kundi box office attraction pa kaya mabentang-mabenta siya bilang lead actor ngayong 2018!
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio