Tuesday , December 24 2024

Diño nasa DILG na (Itinalaga ni Duterte)

PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Martin Diño bilang undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Nagsilbi si Diño bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)  ngunit dahil sa Executive Order No. 42 ni Duterte na nagtatakda na iisang opisyal na lang ang magsisilbing chairman at administrator ng SBMA, natanggal siya sa puwesto noong Setyembre 2017 at si Wilma Eisma, na administrator, ang naluklok bilang pinuno ng ahensiya.

Si Diño ay dating chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), at miyembro ng Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP) – Laban na naghain ng certificate of candidacy for president noong May 2016 elections.

Makaraan ang ilang buwan ay pinalitan ni Duterte si Diño bilang standard bearer ng partido. (R. NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *