Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine at James, nagpasabog ng kilig

MAIGSI pero malaman ang naging  New Year message ni Nadine Lustre para sa kanyang mga basher na hindi pa rin tumitigil sa pambabastos at panlalait sa kanya.

Maaalalang naging kontrobersiyal at maingay ang 2017 ng Kapamilya actress ngunit sa kabila nito, positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay, lalo na ngayong 2018.

C’mon, guys. It’s 2018.” Ang post ni Nadine sa kanyang Instagram.

Nasundan ito ng another post na “Leaving all the nega, fake, malarkey in 2017. If you’re one of them, bye FELICIA.”

Samantala, muling nagpasabog ng good vibes at kilig sina Nadine at James Reid sa social media matapos kumalat ang kanilang “kissing video” na kuha habang nagse-celebrate sila ng Bagong Taon.

Kaabang-abang din ang JaDine loveteam this year as they are set to topbill a new movie under Viva Films, ang Never Not Love You directed by Antoinette Jadaone. Bukod pa riyan ang kanilang next major concert at bagong teleserye sa ABS-CBN.

SOFIA, NAGPASILIP
NG KASEKSIHAN
SA MAMA’S GIRL

KAKAIBANG Sofia Andres  ang aabangan sa 2018 movie offering ng Regal Entertainment, ang Mama’s Girl na makakasama niya ang award winning actress na si Sylvia Sanchez mula sa direksiyon ni Connie Macatuno.

Makikipagtagisan ng husay sa pag-arte si Sofia kay Sylvia at ito ang isa sa dapat abangan sa movie. Makakasama rin dito ang rumoured boyfriend ni Sofia na si Diego Loyzaga.

Si Sofia rin kasi ang pambuwena-manong handog ng Regal Entertainment ngayong taon. Handang-handa na nga na magpainit ngayong 2018 si Sofia na may pasilip sa kanyang  Instagram sa maumbok niyang puwet suot ang red swimsuit!

Kasama rin nila sa movie ang mahusay na aktor na si Jameson Blake gayundin sina Yana Asistio at  Heaven Peralejo.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …