Sunday , December 22 2024

Marina chief sinibak ni Digong

SINIBAK ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang ika-pitong junketeer na opisyal ng kanyang administrasyon alinsu­nod sa isinusulong na kampanya kontra korupsiyon.

Inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagtanggal sa puwesto kay Maritime  Industry Authority (Marina) Administrator Marcial “Al” Amaro III.

“The President has tasked me to announce that he has terminated the services of Mr. Marcial QC Amaro, administrator of MARINA,” ani Roque sa press conference sa Panacan sa Davao City.

Ibinatay aniya ni Pa-ngulong Duterte ang kanyang pasya sa ulat ng Department of Transportation na umabot sa 24 biyahe sa ibang bansa ang ginawa ni Amaro at bunsod ng natanggap umanong “letter of complaint” ng unyon ng mga kawani sa Marina.

“Amaro has had 11 foreign trips in 2017 alone. The President ordered an investigation, the Department of Transportation furnished the Office of the President with the list of travel of Mr. Amaro. It turns out that the complaint of the employees is wrong, because while the employee said that Mr. Amaro made 11 trips in 2017 alone, the DOTr reported that Mr. Amaro in fact made 18 official travels in 2017.  In 2016 he had 6 or a total of 24 travels. The President has decided therefore to terminate his services,” dagdag ni Roque

Nauna nang sinibak ni Duterte ang limang matataas na opisyal ng Presidential Commission for the Urban poor (PCUP) sa pangunguna ni Terry Ridon, at Development  Academy of the Philippines (DAP) president Elba Cruz dahil sa dalas nang pagbiyahe sa labas ng bansa.

ni ROSE NOVENARIO

DUTERTE
‘NAKORYENTE’

SA isang resolusyon, itinanggi ng Alliance of Marina Employees (AME) na ang kanilang grupo ang nagpadala ng liham kay Pangulong Duterte na nagreklamo laban kay Amaro.

Tinawag na “fake news” ng AME ang lumabas na mga pahayag sa media na naghain sila ng reklamo laban kay Amaro sa Palasyo.

“The AME Executive Officers and Board of Directors collectively agreed to come up with this official pronouncement against the fake news that the Alliance of Marina Employees (AME) filed the letter of complaint to once and for all clarify the sensitive matter which will cause damage to the integrity and credibility of the association,” ayon sa resolution ng AME noong Miyerkoles.

Ito ang ikalawang pagkakataon na umalma ang unyon ng mga kawani sa paggamit sa kanilang samahan bilang ‘complainant’ laban sa pinuno ng isang ahensiya.

Matatandaan, ikinaila ng  Dangerous Drugs Board Employees’ Union na miyembro nila ang isang Priscilla Herrera na nagpadala ng liham sa Palasyo na nagdetalye sa  umano’y mga katiwalian ni ret. Gen. Dionisio Santiago, chairman ng DDB.

Sinibak ni Duterte si Santiago dahil sa komentaryo kaugnay sa mega rehab facility sa Nueva Ecija at umano’y sa ma-limit na pagbiyahe sa ibang bansa.

PUBLIC SECTOR
GROUP UMALMA

NANGANGAMBA ang ilang public sector organization sa seguridad at integridad ng kani-kanilang asosasyon dahil sa madalas na paggamit ng ‘sindikato’ sa letterhead ng mga unyon ng kawani sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para gamitin sa target nilang posisyon sa pamahalaan.

Una, ang naganap sa DDB at nitong huli ay sa Marina na kapwa ikinasibak nina ret. Gen. Dionisio Santiago at Maritime  Industry Authority (Marina) Administrator Marcial “Al” Amaro III.

Ayon sa ilang political observer, kailangan busisiin ng Palasyo ang mga natatanggap na liham mula umano sa mga samahan ng kawani dahil posibleng may ‘sindikato’ na gumagamit sa kanila para makapagmaniobra ng mga ipupuwesto sa gobyerno.

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *