MAITUTURING na biggest creative revelation sa nakaraang Metro Manila Film Festival ay ang pagkakapanalo ni Paul Soriano bilang Best Festival Director sa idinaos na Gabi ng Parangal.
No doubt, lumutang ang itinatago palang husay ni direk Paul na ang nakikita lang noon ng madlang pipol ay he’s just the husband of Toni Gonzaga.
Kung ‘yun ang dating premise na nabago after direk Paul’s victory, can we address Toni as “just” the wife of direk Paul?
Ang maganda pa kay direk Paul, siya ‘yung tipo ng artist na level-headed ang dating. No airs. Hindi niya kailangang magpaka-kontroberiyal, let his work speak for itself.
For sure, after ng Siargao ay masusundan pa ito ng maraming film projects.
Interestingly—kundi man funny—ang mas kilalang lumalabas sa mga well-directed romcom movies ay ang kay Toni. Heto palang kabiyak niya—her boyfriend of many years bago sila humarap sa dambana—ay isang tatahi-tahimik na magaling na director.
How about a Toni Gonzaga movie with Paul as the director? Why not?
Looking forward kami to seeing more direk Paul movies na may tatak na bilang malinis ang pagkakagawa, makabuluhan, at somehow ay magbibigay ng ngiti sa mga producer.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III