Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joma’s wish (Peace talks ituloy) tablado sa Palasyo

TABLADO sa Palasyo ang New Year’s wish ni Communist Party of the Philip­pines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na ituloy ang peace talks sa administrasyong Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa kasalukuyang sitwasyon, malabong umu­sad muli ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.

Ani Roque, kailangan patunayan ng rebeldeng komunista ang sinseridad sa pagsusulong ng kapayapaan.



“As of now, malabo. They need to show and prove good faith. Over the holidays despite ceasefire, they attacked anew,” ani Roque.

Matatandaan, kinansela ni Pangulong Duterte ang peace talks sa komunistang grupo bunsod nang sunud-sunod na pag-atake ng NPA sa mga tropa ng pamahalaan at inosenteng sibilyan.



Ayaw rin pumayag ni Duterte sa alok na coalition government ng komunistang grupo.

Idineklara ni Duterte bilang terrorist group ang CPP-NPA gaya ng klasipikasyon ng US sa mga rebeldeng komunista.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …