INAMIN ng Palasyo na 16,355 ‘killings’ ang iniimbestigahan ng mga awtoridad mula nang maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa 63-pahinang year-end accomplishment report na inilabas ng Palasyo kahapon, klasipikado ang unsolved killings bilang “Homicide Cases under Investigation.”
Ngunit ipinagmalaki ng Palasyo, may 4,747 barangay sa buong bansa ang idineklarang drug-free sa loob ng isang taon at kalahati ng adminis-trasyong Duterte.
Iniulat ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) at National Anti-Illegal Drug Task Force na sa 42,605 barangay sa Filipinas, mahigit sampung porsiyento o 4,747 ang drug-free hanggang noong nakalipas na Nob-yembre.
Pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo noong 30 Hunyo 2017, sinabi niya 27% ng mga barangay sa buong bansa ang apektado ng illegal drugs.
Base sa report, sa 79,193 anti-drug operations na inilunsad ng mga awtoridad ay 118,287 ang dinakip habang 3,967 drug personalities ang napatay at P18.92 bilyon ang halaga ng illegal drugs ang nakompiska.
Iniulat din na may 1,308,078 drug addicts ang sumuko sa mga awtoridad mula 1 Hulyo 2016 hanggang 26 Hulyo 2017.
Habang ayon sa Department of Health (DoH), may 2,236 drug dependents ang isinailalim sa DoH drug rehabilitation program, at 14,046 drug surrenderees ang binigyan ng livelihood at skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
ni ROSE NOVENARIO