Monday , December 23 2024

DAP president sinibak ni Digong (Ika-pitong junketeer)

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-pitong junketeer na opisyal ng gobyerno alinsunod sa isinusulong na kampanya kontra korupsiyon.

Iniutos ni Duterte ang pagtanggal kay Development  Academy of the Philippines (DAP) president Elba Cruz dahil sa dalas nang pagbiyahe sa labas ng bansa kahit paso na ang kanyang termino noon pang Hunyo 2017.

“Considering that your Term of Office expired on 30 June 2017 and that you been serving in the DAP Board in a holdover capacity, we now wish to inform you that, upon instructions of the President, your service in such holdover status is hereby discontinued effective immediately,” anang liham ni Executive Secretary Salvador Medialdea  kay Cruz.

“To ensure uninterrupted delivery, you are hereby directed to turn over all official documents, papers and properties in your possession to the proper office of the DAP,” dagdag ni Medialdea.

Nauna rito, hiniling ng DAP Personnel Association (Dapper) kay Duterte na palitan si Cruz dahil sa isyu ng “mismanagement, untoward attitude toward employees and frequent foreign travels.”

Sa isang kalatas, nagpasalamat ang mga kawani ng DAP kay Duterte sa pagsibak kay Cruz at itinuturing nila itong pinakamagandang regalo sa kanila ngayong Kapaskuhan.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *