Monday , December 23 2024

P3.77-T 2018 nat’l budget pirmado na ni Digong (Pinakamayayaman napaboran — IBON)

NILAGDAAN ni Pangulong Rorigo Duterte bilang batas ang P3.77 trilyong national budget para sa 2018 at ang kontrobersiyal na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) bill.

“This is the administrations biggest Christmas gift to the Filipino people,” anang Pangulo.

Batay sa TRAIN, ang mga manggagawa na kumikita ng hindi hihigit sa P250,000 kada taon ay absuwelto sa pagbabayad ng buwis ngunit magpapataw ang gobyerno nang mas mataas na buwis sa krudo, kotse, tobacco, coal at mining at iba pa.

Ayon sa Ibon Foundation research group, sa pinakamahihirap ang mas mabigat na pasanin sa TRAIN at regresibo pa rin ang tax system na ito.

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2018 General Appropriations Act at Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS)

Anila, sa opisyal na datos: Ang pinakamayayamang 20% Filipino lamang ang kumikita ng family living wage (o halagang kailangan ng pamilyang may limang miyembro para mabuhay nang disente) pataas (sa average na P30,000 para sa lima katao), samantala kulang na kulang ang kinikita ng pinakamahihirap na 80% kompara sa kailangan para mabuhay nang disente bawat araw.

Ngunit pantay uma­no ang halaga na bubuwisin sa kanila sa mga dagdag na buwis samantala babawasan ang sisingiling buwis sa pinakamayayaman.

Anang Ibon, sa TRAIN,  gagaan ang pasanin ng pinakamayayamang antemano ay malaki ang kita. Gagaan ang pasanin ng pinakamaya­yaman sa pagbaba ng personal income tax at sa flat rate na singil sa estate at donor tax.

Dagdag nito, mada­dagdagan ang iniuuwing kita ng nasa pinakamayayamang sambahayan. May netong ganansiya sila dahil mas malaki ang nadagdagan nilang iniuuwing kita dahil sa mas mababang personal income tax kaysa mawa­wala sa kanila dahil sa dagdag na VAT, buwis sa langis, sa awto, sa mata­tamis na inomin at sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

Dagdag pabigat, anila, sa pinakamahihirap ang higit na bayarin dahil sa dagdag na item na papatawan ng VAT, ang bagong excise tax sa langis, at ang tax sa SSB.

Halimbawa, ayon sa Bayan Muna, magmamahal nang lampas P600 ang LPG. Lalampas sa P2,000 kada buwan ang bayarin ng mga average na kumokonsumo ng koryente.

Lalampas sa P60 ang presyo ng Coke. Magmamahal ang mga delata nang mahigit P3.00.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *