Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mas malakas na GMA digital TV signal sa Mega Manila, nasasagap na

MAS makulay, mas malinaw, at mas maganda na ang Digital TV signal ng GMA Network sa Mega Manila, dahilan upang mas lalong kagiliwan ng mga Kapuso viewers ang mga inaabangang programa sa GMA at GMA News TV.

Ang mga loyal na Kapuso mula sa buong Metro Manila at sa mga kalapit na probinsya ng Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, at ilang parte ng Pampanga ay maaari nang makapanood ng kanilang paboritong Kapuso shows nang libre mula umaga hanggang gabi sa kanilang digital converter boxes.

Para sa mga Kapuso viewers na may digital TV boxes, mae-enjoy n’yo na ang full digital broadcast ng GMA at GMA News TV in three easy steps. Pindutin ang Menu, pumunta sa Settings, at sa loob — Installation, piliin ang “Auto Search” o “Auto Scan.” Hintaying matapos ang scanning. Pindutin ang “OK” o “Exit” at maaari n’yo nang hanapin ang GMA at GMA News TV gamit ang up and down buttons ng inyong remote control.

Para sa karagdagang katanungan at impormasyon ukol sa digital feed ng GMA, maaaring tumawag sa hotline ng GMA DTV 462-8177, mag-email sa signalreception @gmanetwork.com, bisitahin ang @gmatvsignal Facebook page, o maglog-on sa www.gmanetwork.com/digitalhowto.

Samantala, makaaasa ang Kapuso viewers mula sa iba pang parte ng Luzon maging sa Visayas at Mindanao na magiging available rin ang digital TV signal ng GMA sa mga nasabing lugar sa nalalapit na panahon.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …