Saturday , December 21 2024

3 PNP officials 57 police scalawags sinibak ni Digong

AABOT sa 60 pulis, kasama ang tatlong police superintendent, sa sisibakin sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa mga sindikatong kriminal.

“Mga 3 superintendent, minimum of 60 police, umalis kayo sa PNP. I am starting the purging,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa birthday party ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City, kamakalawa ng gabi.

“I’m just warning itong mga pulis na kurakot… talagang hihiritan ko kayo, babantayan ko kayo. Kayong mga gangster na nasa pulis gobyerno, medyo may takot ako na ‘pag wala kayo sa gobyerno, iyong baril ninyo, nalaman ninyo, then you start to bed, makitulog ka na sa mga gangster.”

Matatandaan, noong nakalipas na Setyembre ay nag-alok  si Pangulong Duterte ng tatlong milyong pabuya sa sino mang makapagtuturo sa Ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng nakompiskang shabu ng Philippine National Police (PNP).

Walang ulat kung may nakatanggap ng ipinangakong reward ni Duterte kaya nabuko ang ilegal na aktibidad ng 60 pulis na kanyang sinibak.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *