Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Malacañan CPP NPA NDF

Walang Christmas truce sa NPA — Palasyo

NANINDIGAN ang Palasyo, hindi magdedeklara ng ceasefire ang pamahalaan sa New People’s Army (NPA) ngayong Kapaskuhan.

“Our defenders would not stand down as there has been call on the other side to launch offensives against state forces,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Markado aniya ang NPA na lumalabag sa tigil-putukan at naglulunsad pa rin nang pag-atake laban sa mga militar na ikinamatay ng mga sundalo.

Giit ni Roque, hindi nagsisilbi sa interes ng bansa ang pagsuspende ng operasyong militar dahil ilalantad lamang ang mga awtoridad sa panganib at nagsisilbing pain para atakehin ng mga rebeldeng komunista lalo na’t ipagdiriwang ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang kanilang anibersaryo sa 26 Disyembre.

Sa kabila nito’y hindi inaalis ni Roque ang posibilidad na may mga kaganapan na magbibi-gay-daan na irekonsidera ng gobyernong Duterte ang kasalukuyan nitong posisyon.

Nauna nang inihayag ng Department of National Defense na hindi irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng Christmas ceasefire bunsod ng direktiba ng liderato ng NPA na paigtingin ang operasyon laban sa mga tropa ng pamahalaan.

Matatandaan, idi­neklara ni Pangulong Duterte sa proklamas-yon na ang CPP-NPA ay teroristang grupo, na karanggo ng ISIS-inspired Maute Group, Abu Sayyaf Group (ASG), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pang terror group sa Minda-nao.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …