Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco naglibot sa mga palengke; nag-motorcade sa Kamaynilaan

MAAGANG nagpasalamat si Coco Martin noong Sabado dahil tinungo niya ang Nepa Q Mart, Balintawak, at Munoz market.

Wala pang tulog si Coco noong Sabado ng umaga (galing sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano) pero sige siya sa pagkaway, pagkamay, pakiki-selfie, at pagbibigay ng Ang Panday merchandise sa mga taong sumalubong sa kanya.

Nais ni Coco na maihatid niya ang Pamaskong handog niya, ang Ang Panday,isa sa entry ng Metro Manila Film Festival na mapapanood na simula Disyembre 25 handog ng CCM Productions, Star Cinema, at Viva Films.

Mainit na sinalubong ng mga taong nasa Nepa Q Mart, Balintawak, at Munoz Market si Coco na halos hindi mahulugang karayom dahil grabe ang init ng pagtanggap ng mga tao roon. Tila nakakikilabot ang kanilang nakikita dahil parang si FPJ si Coco.

Pagdating ng hapon, nagtungo naman siya ng Solenad Nuvali na naghandog si Coco at mga kasamahan niyang artista sa Ang Panday tulad nina Jake, Awra, McLisse at iba pa ng napakagandang show. Muli, maraming tao ang nanood.

Kinaumagahan, Linggo, muling umarangkada si Coco at mga kasamahan para sa isang motorcade. Tinungo nila ang mga lugar sa Maynila tulad ng Binondo, Divisoria, Baclaran, at iba pa.

Nakita namin kung gaano karami ang taong sumaksi sa motorcade at palengke tour ni Coco. Napuno ang mga overpass, hagdanan tungo sa LRT, at mga kalye na nagkakatrapik-trapik dahil sa kagustuhang makamayan at makausap ang actor.

Nagtungo rin kahapon ang Ang Panday cast para sa kanilang nationwide tour sa VistaMall Taguig, SM Bicutan, at StarMall Alabang.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …