Thursday , December 19 2024

Kalayaan ng ‘Pinas, kanino nga ba dapat ipagpasalamat

WALANG tama o mali kapag opinyon na ang pinag-uusapan. Unless you’re stating a fact, ‘yun ang maaari mong salungatin.

Nais naming igalang ang post ng isang Fil-Am na wagas kung laitin si Kris Aquino. Lately ay may post kasi si Kris sa social media na utang ng sambayanang Filipino ang ating tinatamasang kalayaan sa pinaslang niyang ama na si dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino.

History tells us na makaraan ng pagbaril na ikinasawi ni Ninoy sa tarmac noong August 21, 1983 ay posibleng hindi nagkaroon ng public outrage na siyang nagpatalsik sa diktadurya sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Ayon sa Fil-Am na nanggagalaiti sa galit kay Kris, walang dapat tanawing utang na loob ang mga Filipino kay Ninoy. Ang mga tao na nagbuwis din ng kanilang buhay sa makasaysayang Edsa revolution ang nagbalik ng kalayaang inagaw sa atin noong mga panahong ‘yon.

That Fil-Am critic may be right. Pero walang puwang sa kanyang opinyon ang katotohanang si Ninoy ang nagsilbing catalyst upang magkaroon ng pag-aalsa.

Political differences set aside, maging ang mga pro-Marcos marahil ay sumasang-ayon sa katotohanang ito. The Filipino people—sa ganang amin—owe it to the fallen ex-senator.

Ang freedom of the press o expression, ilan lang ito sa muling naibalik makaraang sipain patungo sa Hawaii ang pamilya Marcos.

Maaaring noong mga panahong ‘yon ay nasa Cebu ang noo’y buhay na  maybahay ni Ninoy na si Tita Cory(according to the Fil-Am), still malaki ang isinakripisyo ng kanyang pamilya.

Alam ni Ninoy na may nakaambang na peligro ang kanyang pagbabalik yet sumige pa rin siya. Ano nga ‘yung pamoso niyang linya? ”The Filipino is worth dying for.”

Eh, ‘yung Fil-Am na ‘yon, bakit kaya hindi nanatiling Filipino at yumakap pa ng ibang citizenship, aber?

(RONNIE CARRASCO III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *