Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang PaNa, kinakikiligan; halikan, pinag-usapan

KILIG to the bones ang supporters nina Arjo Atayde at Sue Ramirez dahil trending ang kissing scene nila sa seryeng Hanggang Saan nitong Lunes.

Naaliw kaming magbasa ng thread ng PaNa (Paco-Anna loveteam) dahil talagang kinikilig sila habang pinanonood ang Hanggang Saan.

Bukod sa PaNa ay may tumawag na ring ArSue loveteam.

“Kahit ‘di ako nakapanood sa TV pero ‘yung puso ko, sabog na sabog! Si Arjo ba unang naka-kissing scene ni Sue sa na leading man? Sobrang kilig,” sabi ni @jazzie_tagud.

“Masaya ako na si Arjo ang ka-partner ni Sue sa show na ‘to. Pareho silang mahusay sa pag-arte. Mabubuti pa ang kanilang puso,” papuri naman ni @marydanguilan.

Ayon kay Twitter user na si @Raz_Elle, ”Mabuti at nakukuha na nina Arjo at Sue ang kanilang well-deserved breaks. Matagal ko nang hinihintay mag-shine si Sue at alam naman natin kung gaano kahusay si Arjo.”

Mukhang napabilis nga ang relasyon nina Paco (Arjo) at Ana (Sue) dahil nagpasama lang na mamimili sa Binondo ang dalaga para sa kaarawan ng inang si Jean (Teresa Loyzaga) pag-uwi ay ‘sila’ na dahil nga sa kissing scene na ‘yan.

Boto naman ang nanay at kapatid ni Paco (ARjo) na sina Sonya (Sylvia Sanchez) at Domeng (Yves Flores) kay Anna (Sue) at mga kaibigang si Samboy (Nikko Natividad), nanay nitong si Cora (Viveika Ravanes) at yayang si Letty (Ces Quesada).  Sobrang tutol naman ang stepdad ng dalaga na si Jacob (Ariel Rivera).

Sa paglalapit ng kalooban nina Paco (Arjo) at Anna (Sue) ang magiging dahilan kung paano malalaman kung sino ang pumatay sa tatay ng dalaga na si Edward Lamoste (Eric Quizon).

Anyway, nagpapasalamat si Arjo dahil finally bida siya at hindi third-wheel, “matagal ko ng gustong makasama si Sue. Naniniwala ako sa pagtatrabaho kasama ang mga taong alam kong may matututuhan ako, ganoon din si Sue.”

Say naman ni Sue, “kahit before po sa interviews ko, sinasabi ko talaga na gusto ko makatrabaho si Arjo. Thankful ako to GMO (Ginny Monteagudo Ocampo) unit for giving me the chance na makasama siya sa show.”

At sa pagpapatuloy ng kuwento ng palabas, panibagong yugto ang haharapin nina Paco at Anna ngayong opisyal na silang magkasintahan. Ngunit ano nga ba ang kahihinatnan ng kanilang pag-ibig sa puntong  malaman nila ang sikreto ni Sonya?

Panoorin ang seryeng magpapakita kung hanggang saan ang pagmamahal ng isang ina para sa anak sa Hanggang Saan, tuwing hapon pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …