Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Caloocan sports complex pasisinayaan

MAKARAAN ang maraming administrasyon, pangungunahan ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang inagurasyon ng kauna-unahang sports complex sa siyudad.

Si Malapitan ay sasamahan ng iba pang mga opisyal ng lungsod, mga department head, empleyado, bisita, mag-aaral, at mga delegado mula sa sister-city Dong-Gu, Incheon, South Korea.

PINANGUNAHAN nina Senadora Cynthia Villar at Mayor Oscar Malapitan ang ceremonial ribbon cutting sa pagbubukas ng Caloocan City Sports Complex sa Bagumbong, Caloocan North. Ang pagpapasinaya sa bagong sports complex ay sinaksihan ng maybahay ng alkalde na si Edna at ni Vice Mayor Macario Asistio. Dumalo rin sa seremonya sina 1st District Rep. Dale Gonzalo Malapitan, mga miyembro ng konseho ng lungsod, department heads, at mga bisita. (JUN DAVID)

Ang sports complex ay binubuo ng dalawang covered basketball courts na may digital scoreboards, bleachers, ticketing office, mga locker room, movable floorings.

Magtatagpuan din sa complex ang isang semi-Olympic size, na may anim na lane swimming pool; 12 gazebos, open basketball at badminton court; at jogging path.

Ang sports compound ay may sapat na parking space para sa mga manlalaro, mga mahilig sa sports, paradahan para sa mga bus, kotse, motorsiklo at probisyon para sa mga PWD.

Ang sports complex ay may kabuuang 16,773-sqm lot na matatagpuan sa Bagumbong. Ito ay limang kilometro hilagang-silangan ng Novaliches at 10 km sa hilaga ng SM Fairview.

Ayon kay Malapitan, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sports complex sa Caloocan. “Ang pangarap ay isa na ngayong katotohanan. Ang sports complex na ito ay magsisilbing lugar ng pagsasanay para sa ating mga lokal na atleta at isang venue para sa iba’t ibang kompetisyon sa sports.”

Sa isang Thanksgiving Mass magsisimula ang inagurasyon na susundan ng ceremonial ribbon cutting.

Sa 10 Disyembre, dakong 10:00 am, isang laro ng basketball ng Caloocan Supremos at mga celebrity basketball player ang gaganapin. Susundan ng isang laban sa pagitan ng NLEX Road Warriors at Elite Blackwater.

Sa Disyembre 10 sa ganap na 6:00 pm, gaganapin ang isang libreng konsiyerto na tatampukan ng Parokya ni Edgar. Ang mga manonood ay hinihi­ling na dumating nang 2:00 ng hapon.

Ang sports complex ay maaaring okupahan ng halos 2,500 katao.  (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …