Saturday , November 16 2024

Dismissal order ni Omb Clemente personal grudge (Politika vs Gov. Roel Degamo)

ILANG araw lamang ang nakalipas mula nang sampahan ng reklamo ni Negros Oriental Governor Roel Degamo si Deputy Ombudsman for Visayas Paul Elmer Clemente kabilang ang ibang opisyal, nang muling maglabas ng dismissal order laban sa gobernardor.

Sinabing ang dismissal order ay resulta ng Intelligence Confidential Fund Audit (ICFA) na nauna nang naiayos ng gobernador.

Sa liham na ipinadala ng abogado ni Degamo sa Ombudsman noong 27 Hunyo 2017, hiniling niya na i-dismiss na ang kaso na isinampa ng Melle-more Mancon Saycon dahil na nagkaroon na settlement.

Kasabay din sa isinumite ng kampo ni Degamo ang Notice of Settlement of Suspension Disallowance Charge na nilagdaan ni COA Director Mario Lipana noong 30 May 2017 na nagpapawalang sala kay Degamo sa kaso hinggil sa u-sapin ng ICFA.

Matatandaan na bago ang inilabas na dismissal order ni Clemente laban kay Degamo, nagsampa ang gobernador sa Office of the President ng kasong laban kina Clemente, Deputy Ombudsman for Military and Other Law Enforcement Office (MOLEO) Cyril Ramos dahil sa Betrayal of Public Trust and Graft and Corruption Graft Investigators Laurrei Layne Cristibal, Anna Francesca Limbo, Ma. Bernadette Andal-Subaan at Amy Rose Soler-Rellin sa kaso naman ng Gross Grave Misconduct.

Bukod dito, nagsampa rin ng kaso si Degamo sa Supreme Court, Court of Appeals at Department of Justice laban kay Cle-mente at mga nabanggit na personalidad na kasamahan sa Ombudsman.

Ang pagsasampa ng kaso ng gobernador kina Clemente at Ramos ay bunsod ng desisyon na dalawang beses nagpalabas ng  guilty sa parehong kasong administratibo na isinampa sa kanya ng mga kalaban sa politika.

Lumalabas, noong 12 Enero 2016, nag-isyu si Layne ng  ‘joint resolution’ sa Central Office ng Ombudsman na agad i-naprubahan ni Deputy Ombudsman Moleo Ramos at Ombudsman Conchita Carpio Morales sa kasong June Vincent Manuel S. Gaudan vs. Roel R. Degamo, Danilo C. Mendez and Teodorico G. Reyes, docketed as OMB-V-C-13-0348 for Violation of Republic Act No. 3019; Malversation and OMB-V-A-13-0331 for Grave Misconduct.

Ang kasong isinampa ni Gaudan, na kilalang malapit kay Negros Oriental 1st District Rep. Jocelyn Limkaichong, at na-ging empleyado ang una ay bunsod ng calamity fund na aprobado ng Department of Budget and Management (DBM) para mai-release sa nasabing probinsya dahil sa pinsala ng bagyong ‘Sendong’ noong Disyembre 2011.

Napag-alaman, agad nag-request si Degamo kay dating pangulong Benigno Aquino para sa calamity fund na ini-release ng DBM noong Hunyo 2012 na dapat sana’y nagkakahalaga ng P961,550,000 sa ilalim ng SARO No. ROVII-12-0009202 ngtunit P498,775,000 lamang ang natanggap ng lalawigan noong 7 Hunyo  2012 at ginawang Notice of Cash Allocation (NCA).

Laking gulat ni Degamo kay Limkaichong na kilalang malapit na alyado ni Aquino at isa sa mga nagbibigay ng pinansiyal na suporta nang makombinsi ang noo’y dating DBM secretary Florencio Abad na ang natu-rang calamity fund na ini-release sa lalawigan ay isauli.

Ang pagiging malakas umano ni Limkaichong kay Aquino ang nakikitang dahilan ni Degamo kung bakit ipinababalik ni Abad ang naturang pondo at inatasan  si da-ting undersecretary Ma-rio Relampagos na nag-isyu ng negative SARO.

Kinuwestiyon ni Degamo ang awtoridad ni Relampagos para ibalik ang calamity funds na i-naprubahan ng DBM at itinuloy ang public bidding upang maipaayos ang mga nasalantang impraestruktura sa iba’t ibang bayan ng  Negros Oriental na labis na sina-lanta ng bagyong Sendong.

Ang tanging layunin umano ng gobernardor ay agad maibalik sa normal ang sitwasyon ng mga mamamayan ng lalawigan na labis na naapektohan dahil sa pananalanta ng bagyo.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Limkaichong na sinabing nagnanasang lumaban kay Degamo sa pagka-gobernardor ng lalawigan noong taong 2013 at sa pamamagitan ni Gaudan ay nagsampa ng Malversation of Public Funds at Graft and Corruption laban sa gobernardor kabilang sina provincial treasurer Danilo Mendez, accountant Teo-dorico Reyes.

Mabilis ang naging desisyon ng Ombusdman at guilty ang inihatol kina Degamo, Mendez at Reyes at dismissal of service ang ibinigay na penalty ngunit nang umapela ang gobernardor sa Court of Appeals (CA) ay binaligtad nito ang desisyon at naglabas ng temporary restraining order (TRO) habang ang dismissal order ng Ombudsman ay ginawang suspension order.

Nagulat ang gobernardor nang muling makatanggap ng complaint mula sa Ombudsman Visayas Field Investigation Office na isinampa ni Jessica Jane Villanueva Koppin, kapartido ni Limkaichong ngunit parehong-pareho sa unang reklamo na isinampa ni Gaudan na naibasura ng CA.

Dahil dito, naniniwala si Degamo na may nangyayaring iregular na ugnayan ang Ombudsman at kanyang mga ka-laban sa politika upang siya ay i-harass.

Dahil dito, nagdesis-yon siyang ireklamo sina Clemente at iba pang kasamahan nito ng  kasong administratibo sa Palasyo.

Samantala, nalungkot ang mga mamamayan ng Negros Oriental sa naging desisyon ni Clemente.

“Naging maayos ang pamamalakad ni governor Degamo sa amin at unti-unti niyang pinasisigla ang aming mga negosyo dahil sa ibinibi-gay na suporta sa amin kaya’t ang desisyon ng Ombudsman ay maling-mali at ayaw namin mawala siya sa puwesto,” pahayag ng sama-han ng market vendors sa nasabing lalawigan.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *