Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Larawan, kaabang-abang sa MMFF 2017

ISA sa pelikulang kaabang-abang sa darating na Metro Manila Film Festival  2017 ay ang musical-drama na Ang Larawan na hango sa play ni Nick Joaquin, ang A Portrait of the Artist as Filipino na pinagbibidahan nina Paulo AvelinoRachel AlejandroJoanna Ampil at marami pang ibang OPM icon na idinirehe ni Loy Arcenas.

Ang kuwento nito ay tungkol sa pagmamahal sa pamilya at pagmamahal sa sining.

Sa statement ng mga producer ng pelikula, kabilang ang Heaven’s Best Entertainment nina Harlene Bautista, kahit noong 1941 pa ang setting ng pelikula, siguradong makare-relate pa rin ang mga Pinoy.

LAR_9192

Tatakbo ang kuwento sa dalawang unmarried sisters, sina Candida at Paula, na tumangging ibenta ang painting ng kanilang amang si Don Lorenzo Marasigan kahit na ang kapalit ay malaking kayamanan at karangyaan sa buhay.

5 Tertulya scene with Noel Trinidad Nanette Inventor Dulce Bernardo Bernardo Jaime Fabregas

Ang isa pa sa masasabing highlight ng pelikulang Ang Larawan ay ang huling La Naval procession sa Intramuros na isa sa mga hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan ng Maynila.

12 Rachel Alejandro

“This scene is one of the reasons why our movie got a grant from the Quezon City Film Development Commission, since the Our Lady of the Most Holy Rosary La Naval is a patroness of Quezon City. We are very blessed and thankful,”  ayon kay Celeste Legaspi na siyang executive producer ng pelikula at isa rin sa members ng cast.

9 Sandino Martin as Bitoy before La Naval procession
Kabituin din sa Ang Larawan sina Nonie BuencaminoMenchu Lauchengco-YuloRobert Arevalo,Sandino MartinCris VilloncoAicelle Santos, Cara Manglapus, Jojit Lorenzo. May special participation sina Ogie Alcasid, Rayver Cruz, at Zsa Zsa Padilla gayundin sina Bernardo Bernardo, Jaime Fabregas, Noel Trinidad, Nanette Inventor, at Dulce.

(JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …