Tuesday , December 24 2024
fire sunog bombero

Wildfire sa California minomonitor ng DFA (Pinoys pinaghahanda sa paglikas)

MINOMONITOR ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nagaganap na wildfire sa Ventura County at Los Angeles County sa California na posibleng makaapekto sa 100,000 miyembro ng mga Filipino community doon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, dapat i-monitor ang sitwasyon ng mga Filipino sa apektadong lugar kaugnay sa sunog at makinig sa payo ng mga awtoridad doon at maging handa sa paglikas kung kinakailangan.

Habang ayon kay Philippine Consul General Abet Angelito Cruz, mahigit 27,000 katao ang inilikas mula sa Ventura Country at isinailalim sa state of emergency ang lugar, makaraan maapektohan ang 45,500 acres at puminsala ng 150 gusali at kabahayan.

Pinayohan ni Cruz ang mga kababayang Filipino na sakaling maa-pektohan sila ng sunog ay maaari silang makipag-ugnayan agad sa Consulate Generals office upang mabigyan ng kaukulang tulong. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *