Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

8 arestado sa illegal gambling sa Navotas

SA pamamagitan ng “text sumbungan” para kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, walo katao ang inaresto ng mga tauhan ng Navotas City Police makaraan salakayin ang isang ilegal na pasugalan na matagal nang nag-o-operate at hindi nagagalaw ng mga opisyal ng barangay, kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga dinakip sina Noel Vidallo, 54; Froilan Dela Paz, 47; Efren Dela Cruz, 51; Rochie Alfaro, 38; Efegenia Gauion, 54; Nida Biling, 42; Jennifer Fabian, 27, at Princess Joy Castor, 31, pawang naninirahan sa Kapitbahayan Street, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Habang nakatakas ang isang Belen Nautan sa nasabing operasyon.

Sa ulat ng pulisya, dakong 2:15 pm nang salakayin ng mga tauhan ng Special Operations Unit ang pasugalan sa F-14 Kapitbahayan Street, Brgy. NBBS, base sa sumbong ng isang concerned citizen sa TXT JRT (John Rey Tiangco).

(JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …