Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Transport strike sa unang Lunes ng Disyembre

ILULUNSAD ng transport group ng kanilang ikaapat na transport strike sa 4-5 Disyembre 2017 upang tutulan ang jeepney modernization program ng gobyerno sa darating na Enero 2018.

Kinompirma ito kahapon ni George San Mateo, presidente ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper Operators Nationwide (PISTON).

NANAWAGAN ang grupong PISTON sa isinagawang press conference sa National Press Club sa Intramuros, Maynila kahapon, sa publiko na makiisa sa kanilang isasagawang malawakang tigil-pasada sa 4-5 Disyembre 2017 laban sa planong phase-out sa mga lumang pampasaherong jeep. (BONG SON)

Ayon sa ulat, nakatakdang ipatupad ng gobyerno ang modernization program sa Enero 2018 at uunahin ang jeep na aalisin sa kalsada, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa ahensiya, ang naturang hakbangin ay dahil sa mahigpit na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa MMDA, ang transport modernization program ang isa sa mga nakikitang solusyon ng pamahalaan upang lumuwag ang daloy ng mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila, u-pang maging malinis ang hangin at para makaiwas sa polusyon.

Ang hakbanging ito ng  pamahalaan ay mariing binatikos ng transport group dahil papatayin anila ang kabuhayan ng jeepney drivers.

Nitong nakaraang buwan, naglunsad ng dalawang araw na tigil-pasada ang naturang grupo.

Sa nakatakdang jeepney strike ay inaasahang handa ang MMDA.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …