Monday , December 30 2024
road accident

9 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan (Sa Pasay City)

SIYAM katao ang sugatan, dalawa sa kanila ang nasa malubhang kalagayan sa pagamutan, maka­raan magkarambola ang tatlong sasakyan sa Diosdado Macapagal Blvd., sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ni SPO4 Mario Inserto, ng Pasay Traffic Bureau, ang tatlong sasakyang sangkot sa karambola ay isang black Toyota Fortuner, may conduction plate VX 2767, isang L300 van, at isang tow truck.

Sinasabing habang binabaybay ng SUV ang Macapagal Blvd., nabangga nito ang L300 van at ang nakaparadang tow truck sa harap ng isang fast food chain.

Sa lakas ng impact, nawasak ang harapan ng SUV dahilan kaya malubhang nasugatan ang sakay nitong dalawang Chinese national na hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan.

Habang bahagyang nasugatan ang iba pang mga biktimang sina Jonel Siega, Marvin De Dios, at Kenneth Villanueva, 14, pawang sakay ng tow truck; at sina Reynante Flores at Nadia Paloma na lulan ng L300 van.

Nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital ang mga nasugatan.

Sinasabing nakainom ang driver ng SUV na si Ke Zhiquin na mabilis umano ang pagpapatakbo ng sasakyan na hinihinalang nawalan ng kontrol.

Bahagyang pinsala lamang ang dinanas ni Zhiquin habang ang isa pang pasahero na hindi pa kilala, ay nabalian ng buto sa balikat.

Nagsasagawa ng imbesigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *