Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 bagets tiklo sa CCTV (Sa nakawan ng motorsiklo)

ARESTADO ang apat menor de-edad na itinuturong sangkot sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Pandi, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Chief Inspector Manuel de Vera, hepe ng Pandi Police, inaresto ang 15-anyos binatilyo, sinasabing pasimuno sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa naturang bayan.

Sa ulat, sinabing namukhaan ng isang concerned citizen sa CCTV footage ang pagtangay ng mga suspek sa isang motorsiklo sa Residence 1, Brgy. Mapulang Lupa, ng nabanggit na bayan.

Habang arestado rin ang menor de edad na suspek na nagbenta ng chop-chop na motorsiklo.

Kasunod nito, inaresto ang dalawa pang kasama sa pagnanakaw, na parehong 13-anyos.

Nabatid sa ulat, ang chop-chop na motorsiklo ay kabilang sa limang ninakaw ng grupo habang narekober ang apat na iba pa.

Na-inquest na ang mga menor-de-edad at nai-turn over sa lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …