Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi

Yasmien, bibida sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka

SOBRANG saya ni Yasmien Kurdi na ipinost nito sa kanyang  Instagram ang bago niyang GMA series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Sa photo, ipinagmalaki niya na makakasama niya ang award-winning director na si Maryo J. Delos Reyes at ang mahusay ding direktor na si Gina Alajar na isa sa mga member ng cast.

Makakasama rin ni Yasmien sa serye sina Mike Tan, Martin del Rosario, Jackie Rice, at Ina Feleo. Bukod kay Direk Maryo, magiging direktor din ng programa sina Neal del Rosario and Rado Peru.

Hugot ni Angelica:
MAS MASARAP
ANG MAGING
MALAYA AT UNAHIN
ANG SARILI!

Angelica Panganibann

”NATAPOS ang lahat magmula nang tinalikuran ko ang sakit. Mag mula nung hinarap ko ang sarili ko.

Kinilala at minahal. Ang pinaka magandang regalo pala talaga ng buhay ay ang mahalin ang sarili.”  Ito ang post-birthday message sa kanyang sarili ni Angelica Panganiban.

Dagdag na post pa nito, “At mahalin ang mga taong nagbibigay ng halaga sa ano ka, at paano ka at sino ka. Mas masarap pala ang maging malaya. Mas masarap pala na unahin ang sarili. Pwede palang maging madamot.

“Pwede palang hindi na abusuhin. Pwede palang tumalikod. Pwede palang mang iwan. Pwede palang tumawa ng wagas.

Maging masaya dahil masaya ka lang. Pwede mo palang mahalin naman ang sarili mo. Madami palang pwede.

“Pero ang importante, pwedeng maging maligaya at hindi na kailangan umasa sa iba. Maraming salamat sa lahat ng nag tyaga sakin. Salamat sa lahat ng nagparamdam ng pagmamahal sa makubuluhang araw ng buhay ko. Pangakong itutuloy ko ito.. Ang mahalin ang sarili ko,” pagtatapos  ni Angelica sa kanyang social Media accounts.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …