Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina ni Yam nalungkot, karakter sa FPJAP, pinatay na

NALUNGKOT ang Mommy Bebs Concepcion ni Yam Concepcion dahil nagbabu na ang anak sa karakter bilang Lena sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil napatay sila sa sagupaan ng Pulang Araw at SAF kagabi.

Naging habit na ng mommy ng aktres na pagkatapos nitong kumain ng hapunan ay naka-antabay na siya sa programa nina Coco Martin na umabot na rin sa anim na buwan.

Dapat pala ay dalawang buwan lang ang itatagal ni Yam sa FPJAP bilang anak ni Lito Lapid (Pinuno/Leon) na nakatira sa kabundukan ng Pulang Araw pero sa pagdating ni Cardo/Fernan (Coco) sa kanila ay nilagyan ng love angle ang dalawa at nag-click ang kanilang tambalan na Coco-Yam.

Pero hindi nakalimot si Fernan/Cardo (Coco) dahil alam niyang may asawa siya, si Alyanna (Yassi Pressman) at kaya lang siya nagtagal sa pangkat ni Leon/Pinuno (Lito) ay para kumuha ng impormasyon.

Sabi sa amin ng mommy Bebs ni Yam nang maka-chat namin, “mami-miss ko kasi gabi-gabi nanonood ako, eh, ‘yung next serye niya (Yam) na ‘Love Will Lead You Back’ ay next year pa (eere).”

At kahit wala na si Yam sa FPJ’s Ang Probinsyano ay manonood pa rin siya dahil nga nakasanayan na niya at gusto rin niya ang kuwento ng aksiyon serye nina Coco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …