Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

This is home for me — Ariel (sa pagbabalik-ABS-CBN)

‘OH, welcome back!’ ito ang bati namin kay Ariel Rivera nang makita namin sa ELJ dressing room nitong Sabado bago magsimula ang media announcement ng bagong teleseryeng All That Matters mula sa GMO unit na malapit nang umere.

Isang taon din halos nawala si Ariel sa ABS-CBN na ang huli niyang project ay ang Doble Kara at Born For You at pagkatapos ay lumipat na siya sa GMA 7.

At heto, balik-Kapamilya Network na ulit ang aktor at napangiti siya noong binati namin siya at sabay sabing, “oo nga eh. Kita ulit tayo.”

Tinanong namin kung magiging ‘bampira’ ang asawang si Gelli de Belen sa La Luna Sangre dahil nakagat na.

“Ah talaga? I really don’t know. Hindi ako nanonood, eh,” nakangiting sabi sa amin ni Ariel na ikinakunot ng noo namin at natawa na lang sa reaksiyon namin.

Oo nga pala, natandaan na namin na hindi nga pala nanonood ng teleserye si Ariel dahil ayaw niya lalo na kapag kasama siya dahil awkward para sa kanyang mapanood ang sarili.

At sa Q and A ng All That Matters ay tinanong si Ariel kung ano ang naging dahilan para mapabalik siya sa ABS-CBN.

“Kailangan ko ng pera, eh,” tumawang sagot ng aktor.

Sabay paliwanag ni Ariel, “this is home for me. I started dito sa ABS-CBN. I was built up here. I learned the ways here.

I’ve always thought this to be my home. Mayroon lang tayo minsang vacation home, napupunta ako sa kabila, but this has always been my home.”

At higit sa lahat, nagustuhan ng aktor ang karakter niya bilang si Jacob na asawa ni Teresa Loyzaga na magkakaroon din siya ng ibang karelasyon.

Aniya, “first and foremost, before I accept any project, it’s always, anong klaseng project, anong role ko. I ask first kung anong gagawin ko. I have to have a challenge or enjoy or like the character or the story before anything else.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …