Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cardo nakapuntos kay Alakdan sa kanilang pagtutuos sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

MATIRA ang matibay kina Cardo (Coco Martin) at Alakdan (Jhong Hilario) dahil wala nang atrasan ang kanilang umaatikabong bakbakan sa nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sa paghaharap ng dalawa na napanood nitong Miyerkoles ay nakapuntos si Dalisay kay Alakdan kung saan nabaril nito sa tagiliran ang traidor na rebelde sa Pulang Araw.

Siguradong mas magiging maaksiyon pa ang bawat gabi ngayong alam na ni Cardo na sangkot si Alakdan sa pagkamatay ng kanyang anak matapos siyang pagdalhin ng bomba nang hindi niya alam upang patayin ang isang senador, gaya ng kung paano namatay si Ricky Boy.

Kaya naman sa pagbabalik ni Cardo sa Mt. Karagao, agad niyang haharapin ang grupo ni Alakdan, dala-dala ang poot at galit sa karumal-dumal na pagkamatay ng anak. Ano nga kaya ang kahahantungan ng kanilang laban? Maipaghiganti na nga kaya ni Cardo si Ricky Boy kay Alakdan at sa grupo nito na kinanibilangan ni Gagamba (Ronwaldo Martin)?

Samantala, patuloy sa pamamayagpag ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa national TV ratings, ayon sa datos ng Kantar Media. Nitong Martes (Oct, 24), nagkamit ang serye ng national TV rating na 41.2%, kompara sa katapat nitong “Super Ma’am” na nakakuha ng 17.6%. Pinag-uusapan din ito sa social media sa pagiging trending topic ng palabas gabi-gabi at paglikom ng libo-libong tweets.

Huwag palampasin ang maaaksiyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng program, pumunta sa iWanTV at sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …