Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kalbaryo vs terorismo ‘di pa tapos — AFP

HINDI pa tapos ang kalbaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa terorismo makaraan mapatay ang tatlong matataas na leader ng ISIS-inspired Maute terrorist group at liberasyon ng Marawi City.

Kinompirma ni AFP spokesperson Major Gen. Restituto Padilla, pinaghahanap ng tropa ng pamahalaan ang prominenteng Malaysian bomb-maker na si Amin Baco alyas Commander Baco, miyembro ng Darul Islam terrorist group sa Malaysia.

Si Baco ay isa sa 40 foreign terrorists na nasa Mindanao, 20 Indonesian, anim ang Malaysians at 14 ang Yemenis at Saudi Arabians.

Kamakalawa, na-patay ng militar si Dr. Mahmoud Ahmad, Malaysian financier ng Maute group, at noong Lunes ay napaslang ng military snipers sina ISIS Southeast Asian emir at Abu Sayyaf (ASG) leader Isnilon Hapilon, at Maute group leader Omar Maute.

“May isang prominenteng commander diyan, si Commander Baco kung hindi ako nagkakamali, na atin pang hinahanap at maaaring naging parte ng ilang namatay noong mga naunang pagkakataon. So ‘yan po ‘yung mga bagay na kasama sa ating mga nais maberipika sa mga ginagawa nating hakbang sa loob ng Marawi. Ang mga grupong pinamunuan niya o ‘yung grupong pinamumunuan niya ay isa sa mga nagpahayag ng kanilang allegiance sa Daesh noong araw at naging kasanib sa puwersa nitong mga Maute brothers pati ng grupo ni Hapilon, ‘yung ASG component na nagpunta riyan,” ani Padilla.

Batay sa ulat, si Baco ay asawa ng isang prominenteng Abu Sayyaf family sa Sulu na pinamumunuan ni Sawadjaan, pinuno ng ASG faction Tanum group.

Dumating siya sa bansa noong 2003 at naging katuwang ng Jemaah Islamiyah leaders na sina Umar Patek at Sulkifli bin Hir alyas Marwan sa pagre-recruit ng Indonesian at Malaysian jihadists para magsanay sa MILF camp sa Maguindanao.

Ani Padilla, sa apat local terrorist groups sa Mindanao, ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang may kakayahan na maghasik ng karahasan.

Ang tatlong ibang terror groups ay Maute, ASG at Ansar Khalifa Philippines (AKP).

(ROSE NEVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …