BINABATI namin ang Dreamscape Entertainment na siyang nasa likod ng Wansapanataym dahil nominado ito bilang Best TV movie/mini-series sa 2017 International Emmy Kids Awards.
Ang Wansapanataym ang bukod-tanging Philippine TV show for kids na nominado para sa International Emmy Kids Awards ngayong taon. Makakalaban nito ang mga entry mula Netherlands, United Kingdom, at Australia.
Ang Wansapanataym: Candy’s Crush na nagtatampok kina Loisa Andalio at Jerome Ponce at idinirehe ni Andoy Ranay na napanood noong June 2016 ang entry na nominado.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com