Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zoren at Carmina, ‘di kailangang i-broadcast sa social media sakaling may problema sila

KUNG titingnan, isang larawan ng maayos na pagsasama ang marriage nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.
Pero mabilis na sinalag ito ng aktres, ”But we’re not a perfect couple.” Sa relaunch iyon ng Citidrug na ang buong Legaspi family ang kinuhang endorsers, normal lang naman in any couple na magkaroon ng problema.
“Sa amin ni Zoren, ‘pag may ganoon we talk about it right away para maayos na. Hindi naman kasi ako ‘yung tipo that I’ll take to social media kung anumang problema mayroon kaming mag-asawa. Bakit naman kasi kailangang i-broadcast ‘yon sa buong mundo, kasali ba sa problema namin ang mga tao?”
But proof na matatag ang kanilang relasyon ay ang values na ini-instill nila sa kanilang 16 year-old twins, sina Maverick at Cassandra. Magkaiba rin daw ang ina-apply nilang pakikitungo sa mga bata.
“Since babae ako, I treat Mavi differently from Cassy. Kami ni Cassy, pa-cute, binebeybi-baby ko. Si Zoren with Mavi, mas physical. Nagmi-mixed martial arts sila. But Zoren and I are proud parents kasi pareho silang studious. Nasa pagha-handle naman ‘yan ng magulang how you want your kids to grow up,” sey ni Carmina.
Samantala, matagal na palang pangarap ni Carmina na magmay-ari ng isang drug store. Perfect timing ang pagkuha sa kanila ng isang grupo composed of medical practitioners and businessmen to endorse a wide array of products ng Citidrug.
“Ever since, ini-imagine kong nasa counter ako, may bumibili ng gamot. Pharmacist lang ang peg,” sey niya na sinusugan ng inyong lingkod ng, ”So you wanna sell drugs?” Mabilis niyang paglilinaw, “Only the good (legal) ones! Ha! Ha! Ha!”
Kalakip nga ng endorsement ng pamilya Legaspi sa seven year-old drug store chain na ito’y ang pagkakaroon ng franchise grant. 
As for the owners’ part, kinuha nilang mag-endoso ang Legaspi family dahil sa paniniwala nito sa kanilang mga produkto at serbisyo. At kung hindi kami nagkakamali, ang mag-asawang Zoren at Carmina pa lang minus their kids ay endorsers na ng ilang produktong tinatangkilik ng mga Filipino.
(RONNIE CARRASCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …