Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, puwedeng maging action queen

E, teka, biglang ipinagbuntis ng GMA-7 at ng grupo ng mga network executive ang isa pang action shows series ni Marian Rivera. Bakit hindi sila mag-create ng another action show na girl naman ang magiging astig, matapang, walang takot, basta lalabanan ang masasama at magtatangol sa mga naaapi lalo na ang kabataan.
Parang naging inspiration sa kanila ang nakaraang balita in real life na mga napapatay na kabataan. At naisip din ng mga executive producer na this time girl ang gawing super hero at mas may kakaibang impact na babae ang kanilang ipanganak tutal mayroon na silang lalakding tagapagtanggol at doon na nga isinilang ang action queen sa katauhan ni Marian.
Noong araw, ang nag-iisang action queen ng pelikulang Filipino ay si Ms. Celia Fuentes. Agad naman ang group of talented writers ng network ay inupuan na ang paglikha ng seryeng lalabasan ni Marian na talagang hitik sa bakbakan at mga stunt at tumbling. Nang basahin ni Marian ang script, tawa nang tawa siya dahil role ng lalaki ang gagampanan niya, pero natuwa siya dahil gusto niya.
Kaya agad din ay nagpa-tutor siya ng stunts, paggamit ng latigo, baril, kutsilyo, iba’t ibang self defence, tumbling, pag-ilag sa kalaban, at pagtalon mula sa mataas na lugar.
At first takot, kaba, at nerbiyos ang umiral sa kanya, pero kalaunan ay kalmante na siya. Kaya naman nakaiilang pakita pa lang sa show sa GMA7 ng show ni Marian ay pinag-uusapan na at pinananabikan at nagbabadya na ng mataas na survey sa TV ratings.
Paano na ‘yan Dingdong, baka masapawan ni Marian ang serye mo?
Anyway, trabaho lang ‘yan, nagmo-move on ang inyong career, walang masama, at saka in real life bawi na lang!
Lalo na sa kama!
Charot!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …