Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
marian rivera heart evangelista

Heart, never tutuntong sa Sunday Pinasaya dahil kay Marian

MARAMI ang nakapansin na simula nang umere ang Sunday Pinasaya ay never pang tumungtong dito ang mabait at mahusay na actress na si Heart Evangelista.
Never ding nag-promote ang aktres sa nasabing Sunday show sa mga nagiging bagong serye. Aware kasi si Heart na teritoryo iyon ni Marian Rivera at para maiwasan na rin ang hindi magagandang pagpapalitan ng salita ng kani-kanilang fans.
Tsika ni Heart sa fans ni Marian, ”Stop badgering me.”
Feeling kasi ng fans ng aktres na ginagamit siya ni Heart na kung tutuusin ay the other way around lalo na’t mas mahal ng industriya si Heart kompara kay Marian na marami ang naiinis makatrabaho.

Papa Jepoy, 10 taon
nang nagpapasaya
sa Brgy. LS 97.1
Tugstugan na

“NINE years na ako, turning 10 this year. Bale nag-start ako sa ‘Brgy. LS 97.1 Tugstugan,’ 2008.
“Dati naalala ko nagsimula ako ng madaling araw 3:00 a.m. tapos nalipat, naging 6:00 a.m. sa ‘Potpot and Friends’ marami akong naging partner, pero ngayon si Chiko Tito and si Mama Cy, pero sa nationwide si Papa Marko.
“Bale 6:00 to 8:00 a.m. Mega Manila lang tapos 8:00 to 9:00 a.m. nationwide.
“Tapos ‘pag Saturday 9:00 a.m. to 12noon, ‘All Star Request’  tapos ‘pag Sunday day off.”
Ano ang pakiramdam na isa ka sa mga DJ ng Brgy. LS 97.1 na kilala at sikat?
“Wow! Totoo ba ‘yan? Hindi ko kasi nararamdaman.
“Pero if ever na ganoon nga, nakatutuwa, nakatataba ng puso.
“Sobrang saya kasi may pinapupuntahan ‘yung pinagtatrabahuhan at pinaghihirapan ko masarap sa feelings.
“Kasi naa-appreciate nila ‘yung trabaho ko, mas ginaganahan ako na mag-work harder kapag may magaganda akong naririnig.
Anong nabago kay Papa Jepoy simula ng maging DJ?
“Marami! Kasi nagsimula tayo sa wala, nagco-commute, nagba-bus.
“Ngayon may kotse na, nabibili ko na ‘yung gusto ko at nagagawa ko na ‘yung gusto ko, marami ng nakikilala.
Ano pa ‘yung gustong ma-achieve ng isang Papa Jepoy?
“Gusto ko pang mapasaya ang lahat.
“Kaya nga itong partne ko na si Pareng Chiko sabi ko ‘wag aayaw kasi marami pang magandang darating sa amin.
“Sana mag-nunber one ang lahat ng program ng Brgy LS, sana marami pa kaming mapasaya na mga DJ ng Brgy LS.”
Sinabi pa ng magaling na DJ na, ”Sa fans, maraming-maraming salamat, sana lagi lang kayong makikinig sa Brgy. LS.
“At kaming mga DJ ng LS, gagawin namin ang lahat para mapasaya kayo sa pinakamagandang Tustugan sa buong Pilipinas, dito lang ‘yan sa Brgy LS 97.1 Tugstuhan na!”

Solo Para Adultos
(For Adults Only)
mapapanood na
sa Oct. 20
sa Music Museum

MAPAPANOOD na sa Music Museum sa October 20, Friday ang  Solo Para Adultos (For Adults Only’), a three-act sex comedy play about love, sex, hope, dreams, and vengeance na hatid ng Red Lantern Production.
Ito’y sa panulat at direksiyon ni Alejandro Mirasol Ramos at AJ Rollon, at James Golla bilang co-playwrights, produced by Yuan Barron Ho.
Pagbibidahan nina Wowowee co-host April “Congrats” Gustillo (as the porn queen), Starstruck alumnus Vivo Ouano (as the masseur), atMr. Gay World 2017 title holder John Raspado (as the actor).
Kabituin din dito sina Tori Garcia, a Japanese-Filipino singer-actress.
Ticket prices are—: P3,000 (VIP), P2,500 (Orchestra A), P1,500 (Orchestra B), and P750 (Balcony), which may now be purchased via Ticket World at 891-9999.
The production gathered a good mix of theater, film, and television artists to compose the entire cast of this new sex-comedy theater event.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …