SINIMULAN na ang retraining kahapon sa 1, 143 pulis Caloocan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, na tinanggal sa puwesto makaraan ang sunod-sunod na kontrobersiyang kanilang kinasangkutan.
Ayon kay Chief Insp. Kimberly Molitas, Public Information Office chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tatagal ang nasabing retraining ng 30 hanggang 45 araw.
Sila ay muling isasalang sa physical training, spiritual at skills enhancement, at iba pang refresher course na pangungunahan ng Special Action Force (SAF).
Matapos ang nasabing retraining, muling itatalaga ang mga pulis sa iba’t ibang police stations sa Metro Manila, ngunit hindi na sila itatalaga sa Caloocan Police Station.
Nag-ugat ang pagsibak ni NCRPO chief, Director Oscar Albayalde sa buong puwersa ng Caloocan police dahil sa sunod-sunod na kontobersiyang kinasangkutan ng mga pulis, kabilang ang pagpatay sa binatiyong sina si Kian Loyd Delos Santos, 17; Carl Angelo Arnaiz, 19, Reynaldo de Guzman, at ang panloloob sa bahay ng isang ginang ng 13 bagitong pulis na nakuhaan ng CCTV camera.
(JUN DAVID/ROMMEL SALES)