Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot itinumba sa Kyusi (Sumuko sa Tokhang)

TINANGISAN ng kaanak ang walang buhay na si Jenicar Gonzales, dating sumuko sa Oplan Tokhang, makaraan barilin ng ‘di kilalang suspek sa Kalayaan St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

PATAY noon din ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at dati nang sumuko sa pulisya sa ipinatupad na Oplan Tokhang, makaraang barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, dakong 9:00 am, nang barilin si Jenicar Gonzales, 30, re-sidente sa Brgy. Batasan Hills, sa Kalayaan B, ng nabanggit na barangay.

Napag-alaman, naglalakad pauwi si Gonzales mula sa pa-mamalengke nang lapitan ng suspek at barilin ng dalawang beses sa ulo at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre. Inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …