Thursday , September 4 2025

LP-Morales-Sereno, tactical alliance para pabagsakin si Duterte (Bistado ng Palasyo)

MAY tactical alliance ang Liberal Party, at sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at  Chief Justice Ma. Lourdes Sereno para pabagsakin ang administrasyong Duterte, ayon sa Palasyo.

“Maybe, in effect, that seems to be the implication,” tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella hinggil sa sinasabing sabwatang LP-Morales-Sereno na may layuning patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Abella, naniniwala ang Pangulo na nagpapagamit sina Sereno at Morales sa oposisyon upang siraan siya at ang kanyang administrasyon upang manghikayat ng galit ng taong bayan sa layuning pabagsakin ang gobyernong Duterte.

“The President believes the Supreme Court Justice and the Ombudsman have allowed themselves to be used by certain political forces to discredit him and his administration in order to spark public outrage and eventually oust him from the Presidency,” ani Abella.

Ito aniya ang dahilan kaya hinamon ni Pangulong Duterte sina Sereno at Morales na sabay-sabay silang magbitiw sa puwesto.

(ROSE NOVENARIO)



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Angeles Pampanga Police PNP

4 miyembro ng hold-up gang timbog sa checkpoint; baril, granada nakompiska

ARESTADO ang apat na kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng hold-up gang sa isang checkpoint operation …

Motorcycle Hand

Nakaw na motorsiklo pinang-good time, suspek timbog

NADAKIP ang isang suspek sa pang-aagaw ng motorsiklo matapos mahuli sa aktong paggamit nito sa …

Goitia Kabataan Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Chairman Goitia: Kabataan, Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang tunay na sukatan ng tagumpay ng …

DOT launches Philippine Golf Experience to boost PH tourism promotion

DOT launches Philippine Golf Experience to boost PH tourism promotion

Clark, Pampanga—Positioning the Philippines as a premier golfing destination, the Department of Tourism (DOT) officially …

sub-standard solar lights panels nasamsam Bulacan

P.3-M sub-standard solar lights at panels nasamsam sa Bulacan

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mga sub-standard na solar light at panel na tinatayang nagkakahalaga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *