HINDI ito ang unang pagkakataon na may mga artista mula sa ibang network ang rumampa at dumalo sa Star Magic Ball. Taong 2011 nang rumampa sa Star Magic Ball red carpet si Lovi Poe kasama ang noo’y BF na si Jake Cuenca.
Ngayong taon, ang dating alaga ng Star Magic na sina Heart Evangelista at Kristine Hermosa na ngayo’y Kapuso star na ang dumalo sa pagtitipon.
Kasama ni Evangelista ang kanyang asawang si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero samantalang si Hermosa naman ay ang kanya ring kabiyak na si Oyo Sotto.
Nakasuot na simpleng-eleganteng kulay itim, strapless gown si Evangelista, samantalang isang sophisticated, figure-hugging navy blue gown naman si Hermosa.
Dumalo rin Kapuso star na si Janine Gutierrez kasama ang sinasabing BF na si Rayver Cruz gayundin sina Megan Young at Mikael Daez.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio