Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Buddy’ ni Trillanes sa China trips ‘mole’ ni Digong

NAGING ka-buddy ni Sen. Antonio Trillanes IV sa 16 China trips noong administrasyong Aquino ang naglaglag sa mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid sa source, naghahanap ng kakapitan sa gobyernong Aquino ang ka-buddy ni Trillanes sa China trips kaya sinamahan siya para magsilbing “interpreter” ng senador sa backchannel talks sa Beijing hinggil sa Scarborough Shoal.

Ngunit malaking pagkakamali ng senador na pinagkatiwalaan ang ka-buddy dahil ‘nakata-lon’ na sa bakuran ng administrasyong Duterte at ngayo’y nagsu-supply ng mga impormasyon laban sa senador kapalit nang nasungkit niyang puwesto sa gobyerno at pagpapatuloy ng kanyang ‘raket.’  Matatandaan kamakalawa, sinabi ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte na hawak na niya ang mga ebidensiya na magpapatunay na may joint account si Trillanes sa i-lang Chinese nationals sa mga banko sa Hong Kong, Australia, Amerika at Malaysia.

“May mga account iyan na joint. Ang kasama niya, puro Chinese. Tapos paulit-ulit iyong pangayo… pangalan. But it’s in Hong Kong, in Malaysia, then there’s in Australia, and mayroon rin sa United States,” anang Pangulo hinggil kay Trillanes 
Inamin ng Pangulo, matagal na niyang hawak ang mga ebidensiya laban sa senador at ang pagsusumikap ni Trillanes na wasakin siya at kanyang pamilya ang magbibigay-daan para isiwalat ang mga hawak niyang alas.

Ipinamigay aniya ni Trillanes ang tinanggap na multi-milyong Disbursement Acceleration Program (DAP) funds sa 200 consultants.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …