Saturday , May 10 2025

Kleriko, HR advocates ‘tahimik’ vs adik, terorista — Digong

TIKOM ang bibig ng mga pari at human rights advocates sa mga karumal-dumal na krimen na kagagawan ng mga drug addict at ng mga terorista na ang biktima’y mga inosenteng sibilyan.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbatikos ng mga pari at human rights advocates sa mga pulis na nagpapatupad ng drug war sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Kapag pinatay ng mga terorista ang mga sundalo, wala rin aniyang kibo ang mga pari at human rights advocates.

“Namatay ang lima sa isang pamilya sa Bulacan, maski bata pinagsasaksak ng addict, wala akong narinig na outrage ng pari at human rights, kapag marines ko namatay, wala man lang kumibo sa kanila,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Eastern Mindanao Command, kahapon.

MASINSINANG kinakausap ni President Rodrigo “Digong” Duterte sina Philippine National Police (PNP) Director General Ronald Dela Rosa at Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go nang personal na nakiramay sa nagdadalamhating pamilya ng mga biktima ng masaker sa San Jose del Monte City, Bulacan, kahapon. (JACK BURGOS)

Naging kritikal sa drug war ng Pangulo ang Simbahang Katoliko dahil sa anila’y paglobo ng bilang ng extrajudicial killings sa bansa dahil sa drug war.

Inamin ng Pangulo na galit siya kay Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon dahil ikalawang araw pa lang ng Marawi crisis ay panay na ang batikos sa ipinatupad niyang martial law sa Mindanao.

Kamakalawa ay galit na binatikos ng Pangulo si UN Special Rapporteur Agnes Callamard nang sabihin na si Kian delos Santos ay biktima ng drug war ni Duterte.

Anang Pangulo, hindi sitio ng France ang Filipinas kaya walang pakialam si Callamard, isang Pranses, sa internal na usapin ng bansa.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *