Tuesday , December 24 2024

Kung ‘bingo’ sa smuggling si Polong, Digong magbibitiw

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko na maglabas ng affidavit, at video footage na may audio mula sa isang tao na nagbigay ng kuwarta kay Davao City vice mayor Paolo “Polong” Duterte para sa isang illegal transaction, agad siyang magbibitiw bilang Punong Ehekutibo ng bansa.

Sinabi ng Pangulo sa anibersaryo ng Eastern Mindanao Command kahapon sa Davao City, hindi niya tatanggapin ang ebidensiyang magmumula kay Sen. Antonio Trillanes IV dahil basura ito.

Noon pa aniyang 2016 elections ay inakusahan na siya ni Trillanes na may daan-daang milyong piso sa banko ngunit walang napatunayan ang senador at hanggang ngayon ay patuloy sa pag-atake sa kanya at maging sa kanyang mga anak.

READ: Vice Mayor Polong, Atty. Mans Carpio umeeksena sa BoC (Alegasyon ni Trillanes)

READ: Resbak ni Mans Carpio: Trillanes desperado, tsismosong senador

Inulit ng Pangulo ang kanyang pangako na kahit isa sa mga anak niyang sina Paolo, Davao City mayor Sara Duterte-Carpio at Sebastian ang masangkot sa korupsiyon ay magre-resign siya bilang Pangulo dahil wala na siyang karapatang mamuno sa bansa kapag nabahiran ng katiwalian ang kanyang pangalan.

“Now, itong anak kong si Polong, sinabi ko bigyan ninyo ako ng affidavit na may taong nagbigay, siya mismo, kung may camera, may audio, mas maganda at tinanggap niya at narinig ko, ‘Ito bayad sa ano…’ I have assured you noon pa pag-upo ko, kasi importante ‘yan e, your trust. Sabi ko, ‘Kung itong mga anak ko, masabit sa corruption,’ Pinangalanan ko, si Polong, Inday, pati si Sebastian. Because I’m only responsible for my sons and daughter. I cannot hold myself responsible doon sa mga apo ko na malalaki na. That’s no… they’re no longer under my parental supervision,” aniya.

“Now, uulitin ko. Kung may ebidensiya — huwag ‘yung kay Trillanes kasi basura man talaga lahat ‘yan. Ako ‘yung example. Kita mo naman anong ginawa ng Inquirer pati ABS sa akin. Lahat ng basura itinapon nila. At that time, si Polong, hindi pa ako Presidente, kasali na roon,” dagdag niya.

READ: P1.6-B loan ng Lopezes sa DBP bubusisiin

Ang manugang aniyang si Mans Carpio, esposo ni Sara, ay abogado ng Mighty Corp., ngunit walang hininging pabor sa kanya para sa kliyente bagkus ay itinuloy ng gobyerno na sampahan ng kaso.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *