Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Opisyal, empleyado ng nat’l, local gov’t dapat daw mag-commute isang beses kada buwan (Bill ni Aangat Tayo Rep. Neil Abayon)

DAPAT sigurong budburan ng lebadura ang utak nitong si Aangat Tayo Rep. Neil Abayon para naman umalsa o umangat at makapag-isip nang tama.

Hindi natin alam kung may mag-a-adopt na iba pang mambabatas sa panukala ni Abayon.

Ang kanyang panukala, dapat daw sumakay sa mga pampasaherong sasakyan ang mga opisyal at empleyado ng national at local government tuwing weekdays at rush hours isang beses kada buwan.

Pero sa nasabing bill, walang kaparusahan kung lumabag man ang mga opisyal o empleyado ng gobyerno.

Ang paliwanag lang niya, ang serbisyo publiko umano ay kailangang may simpatiya at malasakit sa mga taong kanilang pinasisilbihan.

Heto pa ang hirit niya, “Public service improves when it is rendered with empathy and compassion. Public service requires living modestly and does not mean entitlement to perks such as business-class and first-class accommodations with airlines.”

Ang sarap pakinggan niyan Congressman Abayon. Pero alam naman nating retorika lang ‘yan.

Bakit naman isang beses kada buwan lang?!

Bakit hindi na lang sabihin na habang nasa serbisyo publiko sila!?

Sa totoo lang, alam din ni Congressman Abayon na imposible ito. Kung magkatotoo man, maliwanag na pambobola sa sambayanan.

At wala rin silbi kasi labagin man ng government official, wala namang kaparusahan.

At sinong mayor, senador, o mga mambabatas ang sasakay sa mga pampublikong sasakyan gaya ng MRT-LRT o Jeep kapag rush hour?!

Sandamakmak ang bodyguards ng mga ‘yan na isasakay, baka sa kanila lang mapuno na ‘yung jeepney.

Kung gawin man nila ‘yan, baka once in a lifetime lang, hindi once a month.

Isang malaking kalokohan!

Napaka-ignorante ba ni Abayon, para hindi niya mapagtanto kung magkano ang gagastusin sa pagpapasa o deliberasyon ng isang batas?

Halos kulang dalawang milyong piso tapos wala namang ibang layunin kundi pagkomyutin ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, isang beses kada buwan?

Gigimik lang itong si Abayon ‘e gusto pang paikutin ang buong Kongreso.

E klarong-klaro, publicity gimmick lang ang layunin nito…

Nanalo ka naman, pinansin ka ng media.

Pero sabi nga ng transport groups, ang kailangan ng ating bansa ay maayos na transport program hindi gimik.

Uulitin ko, budbudran mo ng lebadura ang utak mo, Aangat Tayo Rep. Abayon, para umalsa naman nang konti.

Ay sus!

WOW MALI IMMIGRATION
INTEL OPERATION?!
(ATTN: SoJ VITALIANO AGUIRRE)

ANO itong nasagap natin na na-wow mali raw ang isang intelligence operations ng Bureau of Immigration (BI) matapos damputin ang mahigit 30 Chinese national na nagtatrabaho sa isang online gaming?!

Susmaryosep!

Sa isang intel operations na ikinasa laban sa Soft Media online gaming, mahigit 30 tsekwa ang pilit dinala sa BI main office matapos akusahan na nagtatrabaho nang walang special work permit galing BI.

Ang siste, koryente to-the-max ang inabot umano ng mga operatiba matapos malaman na lehitimo pala ang bitbit na SWP (special work permit) ng mga Chinese taliwas sa sumbong o info na ibinigay ng kanilang ‘asset’ na peke raw ang mga dokumento na dala-dala ng mga inarestong tsekwa!

Wattafak!?

Ayon sa kuwento, dating empleyado cum fixer daw ng Bureau ang nagbigay ng impormasyon at ginawa niya ang pagsusumbong matapos sibakin ng Soft Media ang kanyang serbisyo bilang tagaayos ng kanilang SWPs.

Sonabagan!!!

Dahil sa pangyayari, ikinagalit umano ni PAGCOR chair at former BI Commissioner Andrea Domingo ang ginawang pag-aresto sa mga Chinese national.

Ayon kay PAGCOR Chair Domingo, sandamakmak na raw ang naglipanang illegal online gaming.

Bakit hindi raw iyon ang hulihin at kung sino ang legal ay iyon ang binubulabog?!

Talaga nga namang may katuwiran na ma-high-blood si ma’am Andrea.

Diyan lang sa Makati, Cavite at BGC ay tadtad ang mga illegal online gaming na nagkukubli sa mga condo pero bakit hanggang ngayon ay malayang nakapag-o-operate!?

Timbrado na siguro ang mga ‘yan!?

Next time, dapat siguro ay i-case build-up munang mabuti ang ganyan kalalaking operation para maiwasan ang indulto.

Agree ka ba rito, Boy Sayote!?

PUERTO PRINCESA
INT’L AIRPORT
NO ELECTRICAL
OUTLET, NO Wi-Fi!

DESMAYADO si Atty. Berteni “Toto” Causing sa ipinagmamalaking bagong Puerto Princesa International Airport (PPIA) sa ilalim ng pamamahala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Na naman!?

E saan naman kayo nakakita ng international airport pero walang wi-fi at walang electrical outlet na puwedeng saksakan para makapag-charge ng cellphone o battery pack?!

Heto pa, napakaingay ng kanilang public address system kaya hindi maintindihan kung ano ang mensahe.

Sabi nga ni Attorney Toto, very unfriendly airport ang PPIA.

At higit sa lahat, ang kanilang terminal fee ay P200…

Wattafak!?

Kung hindi tayo nagkakamali ang PPIA expansion project costs ay umabot sa $102.56 milyon. Dolyares po ‘yan. Nasungkit ito ng Korean group Kumho Industrial Co. Ltd. – GS Engineering and Construction joint venture, ayon mismo ‘yan sa Department of Transportation (DOTr).

Anyare?!

Paging CAAP DG Jim Sydiongco!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *