Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PNA balasahin, ‘kaburaraan’ arestohin at walisin

MABAIT pa rin si Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Ilang beses na bang sumalto ang mga ‘iresponsableng’ staff o editor sa Philippine News Agency (PNA) mula nang maupo ang Duterte administration?

At hindi simpleng salto.

Sabi nga ng isang prominenteng dilawan, may sumasabotahe sa ‘communications group’ ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Una, nag-upload ng photo patungkol sa giyera sa Marawi pero ang retrato palang iyon ay noong Vietnam war pa. Ikalawa, isang fake news na ginamit ng PNA tungkol sa extrajudicial killings. Ikatlo, nag-post ng artikulo mula sa Xinhua News Agency na kritikal sa Permanent Court of Arbitration ruling.

At ang huling salto ng PNA, dahil sa kaburaraan ng sabi nga ni Secretary Andanar ay mga gunggong, ‘yung news tungkol sa Department of Labor and Employment (DOLE) pero ang inilagay na logo ay Dole pineapple company.

Sonabagan!

Gunggong nga pala talaga kung hindi man kaburaraan talaga.

Hanggang kahapon, patuloy ang imbestigasyon na ginagawa ng tanggapan ni Andanar dahil sa paulit-ulit na kapalpakan ng PNA.

Ang PNA kung hindi tayo nagkakamali ay nasa ilalim ng News Information Bureau (NIB) na pinamumunuan ni Director Virginia Arcilla-Agtay. Habang ang PNA ay pinapatnugutan ni Acting Executive Editor Louie Morente.

Batid nating ang editorial task ay isang collective effort, pero lagi nang mayroong command responsibility.

Kaya naman, sa ganang atin, tumpak lang na balasahin ni Andanar ang PNA at panagutin ang mga ‘burara’ sa kanilang tungkulin.

Apat na beses na ‘yan!

Gusto ba nilang kung magkakaroon ng panglimang ‘salto’ ay ulo na ni Andanar ang gumulong?! Sa isang banda, kailangan sigurong ‘magpagpag’ si Secretary Andanar dahil dumadalas ang ‘alat’ sa kanyang karera.

PCOO chief, Secretary Martin, lumayo-layo ka muna sa maaalat na pirming nasa tabi mo.

BUMAGSAK
NA NAMAN
ANG PISO

UMABOT na sa P51 ang halaga ng isang dolyar (US$1).

Ayon sa mga ulat, ito ag pinakamababa sa loob ng 11 taon, sa panahon na mayroong ‘bidahan’ ang Estados Unidos at North Korea (NoKor) ng kanilang mga armas pandigma.

Pirmi raw ang sukat ng NoKor kung hanggang saan ang kayang abutin ng kanilang missile.

Sabi ng NoKor, wala pa namang nuclear head ‘yung missiles kaya walang dapat ipag-alala ang buong mundo.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla, Jr., sinisikap nilang gawin na ang galaw ng ating lokal na pananalapi ay nakaayon sa economic fundamentals ng bansa.

Ani Espenilla, patuloy nilang minamatyagan ang galaw ng piso. Bagamat normal lang umano ang naganap na pagtaas ng piso dahil sa kaguluhan, ginagarantiyahan naman ni Espenilla, na patuloy silang magbabantay sa galaw ng piso para sa kapanatagan ng bansa.

AIRLINE VISA READER
RUMARAKET NA RIN BA!?

Dapat pagsabihan ng ilang airline companies diyan sa NAIA ang kanilang “visa readers” kung hanggang saan lang ang extent ng kanilang mga trabaho.

Sa ngayon daw kasi ay daig pa ng mga “visa readers” ang immigration officers sa airport kung makapagtanong sa pasahero.

Maging ang personal questions gaya ng hotel booking, destination, and take note pati show money ay pinakikialaman na rin ng visa readers!

Ano ba talaga ang pakay nila?

Mang-ipit ba para may magipit!?

Sonabagan!!!

Sawsaw galore pa pala ang peg ng mga visa reader na ‘yan!!

Kadalasan daw na biktima ay mga pasaherong may visa papuntang middle east gaya ng Dubai, Saudi at UAE.

May ilang reports na nakararating sa atin na may ilang namamasahero lalo na ‘yung mga travel agent, na kinakailangan daw maglagay sa visa readers na ‘yan para lang hindi ipitin ang pasahero nila.

Ang resulta, natututo tuloy ng katarantadohan ang ilan sa mga ‘yan para lang magkapera!

Hindi lang mga namamasahero ang apektado kundi mismong mga pasahero ay apektado rin.

Baka kalaunan maging SOP na ang lagayan sa mga ‘ungas’ na ‘yan, na kung tutuusin ay hindi naman karapat-dapat!

Paging airline officials! Pakiimbestigahan nga ang ganitong raket ng mga visa reader ninyo!!!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *